Mayaman ang ikalawa (2) | Bandera

Mayaman ang ikalawa (2)

Joseph Greenfield - June 15, 2013 - 01:58 PM

Sulat mula kay Alma  ng Banisilan, North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
1.      Ang kinakasama ko ay may legal na asawa at pamilya.  Pero,  sa kabila nito, ayos naman ang relasyon namin kahit na tatlong araw lang siya sa akin sa isang linggo. Okey na sana, hanggang sa magbago siya at hindi na siya umuuwi sa akin.  Ang masakit, wala na rin siyang ipinapadalang pera para sa pang araw-araw kong gastos. Pag tine-text ko siya ay hindi na siya nare-reply at kahit na i-call ko pa.
2. Ang itatanong ko po Sir Greenfield ay kung tuluyan na kaya siyang nagbago at iiwanan na kaya niya ako, hindi na kaya niya ako mahal? Kung sakaling iiwanan na ako ng ka-live in ko sa edad ko po bang lagpas 30 na, may magkakagusto pa kaya sa akin at makapag-aasawa pa kaya ako? September 16, 1985 ang birthday  ko.
Umaasa,
Grace ng Eastern Samar
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing tuluyan ka na ngang iiwanan ng ka live-in mo, subalit sa ikalawang pag-aasawa, isang binata na mas mayaman sa kasalukuyan mong kinakasama ang iyong mapapangasawa na nagtataglay ng zodiac sign na Libra.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing kapag muli kang nakapag-asawa, mamumuhay ka na nang sagana at maligaya. Ang lalaking ikalawang mapapangasawa mo ay taga-ibang bansa, kung saan, isasama ka nya sa abroad.
Luscher Color Test:
Kapag muli kang nakapag-asawa at nasa abroad ka na ugaliing gumamit at magsuot ng kulay na dilaw at berde upang tuluy-tuloy na bumuti at gumanda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Alma ayon sa iyong kapalaran, okey lang na iwanan ka ng kasalukuyan mong kinakasama dahil may asawa na pala siya at sariling pamilya. Ang totoo higit na mas magiging maganda ang iyong tadhana sa inyong paghihiwalay, dahil sa susunod na taon, isang lalaking foreigner na isinilang sa zodiac sign na Libra ang iyong makikilala, magiging kaibigan mo siya, hanggang sa tuluyang mapangasawa at sa sandaling mag-asawa na kayo, isasama ka nya sa ibang bansa, upang sa malayong lugar doon na manirahan at habambuhay na lumigaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending