Miss Millennial winner magwawagi ng condo, kotse, cash, bonggang korona | Bandera

Miss Millennial winner magwawagi ng condo, kotse, cash, bonggang korona

|September 30,2017
facebook
share this

Miss Millennial winner magwawagi ng condo, kotse, cash, bonggang korona

- September 30, 2017 - 12:10 AM

HUHUSGAHAN na! Now na!

Matapos ibandera ang ganda at yaman ng kanilang mga siyudad at probinsya, tatanghalin na ngayong Sabado, sa Mall of Asia Arena, ang kauna-unahang Miss Millennial Philippines.

Ang grand finals ng MMP sa Eat Bulaga ay ang kulminasyon ng tourism campaign na pinangunahan ng 38 millennials mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang tatanghaling 2017 Miss Millennial Philippines ay hindi lang mananalo ng condominium unit mula sa Bria Homes, Mitsubishi Montero Sport at cash prize, makakatanggap din siya ng espesyal na korona gawa ng jewelry designers na sina Micki Olaguer at Arnel Papa.

Ayon kay Olaguer, natatangi ang disenyo ng korona ng MMP dahil kumakatawan ito sa matatag, independent at nurturing na mga Pinay. Sumisimbolo din ito ng hope, pride at ambisyon ng mga millennials na maabot ang kanilang pangarap.

Makikita din sa disenyo ng korona ang “38” swirls patterns na inspired ng initials at anniversary year ng Eat Bulaga.

“Ang sarap isipin na binigyang-pugay ng Eat Bulaga ang ating henerasyon at binigyan nila ng oportunidad ang mga kabataan na makatulong sa kanilang mga hometowns. Nakakatuwang isipin na hindi lamang ito pagandahan, ngunit isa itong paraan na matulungan ang mga probinsya para mas palakasin ang turismo.

Masaya ako na parte ako ng segment na ito,” ano Olaguer.

Maliban sa pagde-design ng Miss Millennial crown, napakalaking karangalan din daw na nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang isang well-known international Filipino jewelry designer na si Arnel Papa.

Para naman kay Papa, siniguro niyang gumamit ng locally sourced products sa paggawa ng korona. Binigyang buhay niya ang disenyo sa paggamit ng Philippine gems at mother of pearl.

“Masaya ako at isang pribilehiyo sa akin na gumawa ng korona. Napakaswerte ng Miss Millennial Philippines winner dahil hindi ito ordinaryong crown lang. May kwento ang design nito at ilang oras at manpower ang ginugol sa pag-manufacture nito,” ani Papa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban sa Miss Milllenial Philippines grand coronation, marami pang sorpresang inihanda ang EB para sa mga loyal dabarkads ngayong Sabado. Ang host na si Ryan Agoncillo at ang phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza ay nag-date naman mula Batanes hanggang Jolo para ibandera sa buong universe ang iba pang natatagong ganda at yaman ng Pilipinas.

Kaya huwag na huwag palalampasin ang mga exciting happening sa Eat Bulaga ngayong Sabado, 11:30 a.m. sa GMA 7 lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending