Pacman sa seksing vlogger: I’m fine… You can call me anytime!
NABUKING na hindi lang pala ang Instagram celebrity na si Arzaylea Rodriguez ang naka-chat ng Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao nang mag-live session ang foreign netizen kamakailan.
Kahapon, naging usap-usapan din ng mga netizens ang pakikipag-chat ni Pacman sa Instagram live session American vloggers na sina Francesca Mariano at Maria Ciuffo para sa internet show nilang “Chicks In The Office” ng Barstool Sports (first Instagram account by girls, for girls, featured on a predominately male website).
Mismong ang seksing IG user (@chicksintheoffice) ang nag-post ng screenshots ng comments ng Pambansang Kamao sa kanilang live chat noong Sept. 22. Isa sa mga ito ay may caption na: “@mannypacquiaopopped into Ria’s Instagram live to say ‘hello.’”
May tatlong litratong naka-post sa IG account ni @chicksintheoffice: ang una ay ang mensahe ni Manny na nagsabing “hello”, ikalawa naman ang pagkumpirma sa kanyang identity bilang tunay na Manny Pacquiao. Ang ikatlo naman ay nang magsabi si Pacman ng, “I’m fine thank you.”
Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ng mga netizen ay ang huling comment ni Manny na, “You can call me anytime.”
Ayon sa social media followers ng senador, ibang klase raw pala talagang magparamdam ang Pambansang Kamao sa mga girls. Kung may bumilib sa senador sa kanyang style, marami rin ang nagkomento ng nega laban sa kanya. Akala raw kasi nila ay nagbago na si Pacquiao, mahilig pa rin daw pala ito sa mga magaganda at seksing babae.
Pero sa isang interview, sinabi ni Pacman na ang komento niyang, “You can call me anytime” ay ang naging tugon niya sa invitation ng dalawang vloggers na mainterbyu siya nang personal.
Paliwanag ng senador, “Ini-invite nila ako sa New York, sa radio station nila. Sabi ko, ‘I’m in the Philippines, I cannot come.’ Sabi ko, ‘You can call me anytime.'”
Unang nabigyan ng malisya ang pagpo-post ni Manny ng comment sa IG live feed ng kilalang vlogger na si Arzaylea. Depensa niya, “Lahat naman, puwedeng makipag-usap sa ‘kin live. Wala namang malisya du’n.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.