Meralco Bolts target tumabla sa liderato | Bandera

Meralco Bolts target tumabla sa liderato

- September 22, 2017 - 12:08 AM

Mga Laro Ngayon
(SM Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Kia vs Star
7 p.m. GlobalPort vs Meralco
Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Blackwater vs Rain or Shine
5:15 p.m. TNT vs Barangay Ginebra
Team Standings: Barangay Ginebra (8-2); Meralco (7-2); San Miguel Beer (7-3); TNT KaTropa (7-3); NLEX (7-3); Rain or Shine (6-4); Star (5-4); Blackwater (5-5); GlobalPort (3-7); Alaska (3-8); Phoenix (2-9); Kia (0-10)

BAGAMAN nakakuha na ng silya sa playoffs ang Meralco Bolts ay hindi pa tapos ang misyon nito sa eliminasyon ng 2017 PBA Governors’ Cup.

Nais pa ng Bolts na manguna sa pagtatapos ng elims o di kaya ay makakuha ng twice-to-beat incentive sa susunod na round.

Kaya naman mahalaga para sa Meralco ang laro nito ngayon kontra sa napatalsik nang GlobalPort Batang Pier umpisa alas-7 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Kapag nanalo ang Meralco ay makakatabla nito sa unang puwesto ang Barangay Ginebra (8-2) bagaman hindi pa ito nangangahulugan na may insentibo na ang Bolts sa playoffs dahil isang panalo lamang ang namagitan sa top five teams ng liga.

Tabla sa pangatlong puwesto ang San Miguel Beermen, TNT KaTropa Texters at NLEX Road Warriors na pawang may 7-3 baraha.

Malalaman pa ang final seedings sa playoffs sa huling araw ng elims sa Linggo kung saan makakasagupa ng Meralco ang nagbabantang magtala ng grand slam na San Miguel Beer.

Sa ngayon ay kailangan muna ng Bolts na malampasan ang hamon ng Batang Pier na wala nang pinaglalabanan sa liga kundi ang makanakaw ng panalo sa huli nitong laro sa season ngayon.

Sa kalagitnaan ng elims ay nakakahataw pa sa team standings ang Batang Pier pero biglang umalat ang kanilang laro at kasalukuyang may 4-game losing streak sa liga.

Puntirya naman ng Star Hotshots na makapantay ang Rain or Shine sa pang-anim na puwesto sa pagsagupa nito sa wala pang panalong Kia Picanto umpisa alas-4:15 ng hapon ngayon.

Pasok na sa playoffs ang Star at wala na rin itong tsansa pang makapagtapos sa Top Four teams na may regalong twice-to-beat incentive sa susunod na round.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending