Malalaking problema ni Erap | Bandera

Malalaking problema ni Erap

Ramon Tulfo - June 15, 2013 - 12:37 PM

MALAKI ang mga kinakaharap na problema ni Manila mayor-elect Joseph “Erap” Estrada.

Isa sa mga pinakamalaking problema ay ang deteriorated peace and order sa lungsod.

Pangalawa, ay ang mga squatters na naninirahan sa gilid ng mga ilog at estero na nagtatapon ng mga basura sa tubig.

Malala ang problema ng drugs at holdapan sa Maynila.

Laganap ang droga sa buong lungsod, lalong-lalo na sa mga lugar ng mga mahihirap (kung saan pa kasi ang mahihirap na lugar ay doon pa kumakalat ang droga).

Hindi matagumpay ang kampanya ng natalong Mayor Fred Lim sa pagpapahiya sa mga suspected drug pusher sa pamamagitan ng pagpipintura ng kanilang bahay ng kulay pula.

Dapat siguro ay more drastic action ang kailangan para malutas ang problema sa droga.

Sa Ermita at Malate, na tinatawag na tourist belt, maraming diumano’y mga dayuhan ang hinoholdap kahit na sa katirikan ng araw.

At wala naman daw ginagawa ang kapulisan dahil kasabwat nila ang mga masasamang-loob.

Kapag nahuli raw ang isang holdaper o snatcher ay pinakakawalan daw kapag umalis na ang biktima.

Isang station commander ay kumukopkop ng isang nadismis na pulis at pinatitira sa kanyang presinto dahil maraming gustong yumari rito.

Ang pulis na tinutukoy ko ay kasamahan ng isa pang pulis na pinatay dahil sa pagkakasangkot sa robbery-holdup.

Ang pulis na pinoprotektahan ng station commander at yung pulis na pinatay ay miyembro ng akyat bahay gang na nanloob sa isang household sa Maynila.
Yung pulis na napaslang ay dinale ng kapwa niya mga pulis na vigilantes na hindi kilala.
Sa takot ng pulis na siya ang susunod ay tumakbo sa station commander.
Ang pulis na nadismis ay ginawa daw na taga-kolekta ng tong ng station commander.
qqq
Madaling malulutas ni Erap ang problema ng peace and order dahil hawak niya noon ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) nang siya’y vice president pa.
Maraming nalutas na kaso ang PACC.
Marami ring itinumbang mga kriminal at maging mga tiwaling pulis ang law enforcement arm ng PACC.
Kayang-kaya ni Erap na lutasin ang problema ng kriminalidad sa lungsod ng Maynila.
Ang mahirap na bigyan ng kalutasan ay ang mga squatters na nakatira sa gilid ng mga ilog at estero.
Ang mga squatter na ito ang dahilan kung bakit bumabaha ang Maynila at mga karatig lungsod sa Metro Manila.
Ang malaking pagbaha na resulta ng bagyong si “Ondoy” noong 2009 ay gawa ng mga discarded plastic at ibang basura na itinapon ng mga squatters sa estero at kanal.
Kung kilala natin si Erap, hindi niya paaalisin ang mga squatters sa mga estero at ilog.
Mababa ang loob ni Erap sa mga kapus-palad.
Noong siya’y bata pa ay nagnanakaw si Erap ng pagkain sa bahay nila
upang ipamigay ito sa mga kaibigan niyang anak ng mga mahihirap.
Gagawa ng paraan si Erap upang malinis ang mga estero ng dumi.
Pero babaha’t babaha pa rin sa Maynila dahil itatambak na naman ng mga squatter ang kanilang mga basura sa mga estero matapos malinis ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Editor: Para sa komento at reaksyon, i-text ang TULFO, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending