GINULAT ng dehadong kabayo na si Yoshiko ang bayang karerista nang maghari ito sa PCSO-Bandera Cup benefit race Sabado sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.
Si Yoshiko, ang seventh pick sa 10-entry race, ay nagsagawa ng malakas na remate sa homestretch para talunin ang pinapaborang si Precious Jewel na nagtapos sa ikalawang puwesto sa PCSO-Bandera Cup race.
Ang koneksyon ni Yoshiko, na pinangunahan ng may-aring si Jay Coching, trainer Manuel Garcia at jockey Ryan Roy Garcia, ay tumanggap ng P150,000 premyo at tropeo mula sa Inquirer Bandera at ang sponsor na Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang Inquirer Bandera, na nagdiwang ng ika- 27 anibersaryo nitong Setyembre 10, ay ibabahagi naman ang kinita sa nasabing karera sa Inquirer Newsboy Foundation.
Ang Bandera Racing Festival ay suportado ng Boysen Paints, Unilab, EEG Development Corp., Radyo Inquirer 990 at Bandera Mobile App.
Ang Bandera-EEG Development Corp. race ay pinagwagian ni Penrith habang ang Bandera-Boysen Paints race ay pinagharian ni Savannah Bull. Ang Bandera-Unilab race ay pinagwagian naman ni Obelisk.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.