Duterte nais ideklarang holiday ang Sept. 21 | Bandera

Duterte nais ideklarang holiday ang Sept. 21

- September 15, 2017 - 04:52 PM
INIHAYAG ni Pangulong Duterte na gagawing holiday ang Setyembre 21, kung saan gugunitain ang pagdedeklara ng yumaong dating pangulong Marcos ng martial law. “At this early, I am announcing that I am ordering a holiday para walang masaktan, walang ano kung may demonstration diyan, magkagulo. Walang trabaho ang gobyerno ‘yang araw na ‘yan at ang klase suspended. At lahat ng public places dito na gusto ninyong i-occupy, kunin ninyo,” sabi Duterte sa panayam ni Erwin Tulfo sa PTV-4. Ito’y sa harap naman ng nakaambang National Day of Protest na itataon sa Setyembre 21. “Walang pulis na magpapatrolya laban sa inyo. Ang sinasabi ko lang, I will assign a lean — kokonting pulis lang to maintain traffic. Para hindi naman maabala ‘yung hindi kasali,” ayon pa kay Duterte. Kasabay nito, nanawagan si Duterte sa mga sasali sa mga protesta na gawing mapayapa ang mga rali. “Ito lang ang hinihingi ko sa inyo: Huwag ninyong gawin na magsira kayo, you vandalize, magsunog kayo ng mga ganun-ganun. ‘Yung effigy ko sunugin ninyo. Make an effigy, ‘yung kamukha ko. Maski isang libo,” ayon pa kay Duterte. Samantala, nagbabala naman si Duterte sa mga mananamantala sa gagawing protesta. “Huwag kayong magpapasok ng sabihin niyo red army ninyo na may armas. Huwag kayong magkamali na magsira diyan, sira dito because if you do it, the next thing, ang kaharap ninyo would be the military and the police,” ayon pa kay Duterte. Idineklara ni Marcos ang martial law noong Setyembre 21, 1972.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending