IPINAG-UTOS ng National Capital Region Police Office ang pagsibak sa buong puwersa ng Caloocan City police, ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde.
Sinabi ni Albayalde na unang tinanggal ang mga pulis sa Caloocan City Substations 2, 4, at 7.
“And in the coming days, we will be looking forward (to) the relief of all the personnel from the other substations,” sabi ni Albayalde sa isang panayam ng ABC-CBN News Channel.
Ito’y sa harap naman ng sunod-sunod na pagkakasangkot ng mga pulis ng Caloocan sa mga pagpatay at mga kontrobersiya,
“They will be retrained and they’ll be reassigned to other stations here in Metro Manila. They will not be able to go back to their position or their assignment in Caloocan,” dagdag ni Albayalde.
Idinagdag ni Albayalde na pansamantalang papalit ang mga pulis mula sa Philippine National Police’s (PNP) regional public safety battalion sa mga sinibak.
Ginawa ni Albayalde ang direktiba matapos naman ang pagkamatay ng mga binatilyong sina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa kamay ng mga pulis mula sa Caloocan City at ang pag-raid sa isang bahay sa lungsod kung saan ninakawan pa ito.
Inamin ni Albayalde na matagal nang pinlano ang pagsibak sa buong Caloocan police matapos ang pagpatay kay delos Santos para patunayan na hindi kinukunsinti ng PNP ang mga pang-aabuso.
“What we’re trying to show here (is we) do not condone any wrongdoings of our personnel in PNP,” sabi ni Albayalde.
Ikinagalit ng publiko ang pagpatay sa mga binatilyo, partikular sa 14-anyos na si Reynaldo de Guzman, na nagtamo ng 30 saksak matapos matagpuan sa Nueva Ecija.
Natagpuan din si Michael Angelo Remecio, 16, na taga Caloocan City rin, sa isang sapa sa San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa kung saan nakagapos ang kamay niya ng nylon cord.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending