DU30 ipinagtanggol ang pagpasok sa Grand Mosque ng naka-boots | Bandera

DU30 ipinagtanggol ang pagpasok sa Grand Mosque ng naka-boots

- September 13, 2017 - 03:27 PM

IPINAGTANGGOL ni Pangulong Duterte ang pagpasok niya at ni Assistant Secretary Mocha Uson sa Grand Mosque sa Marawi City, nang hindi sinunod ang tamang kasuotan.
Ito’y matapos namang batikusin ang pasusuot ni Duterte ng boots sa pagpasok sa Grand Mosque, samantalang hindi naman nakasuot si Uson ng hijab.
“‘Yung nakita na nila puro rubbles ang glass eh. And ano, para ka matinik? Tapos ‘pag ba na — ‘Ano ‘yan? Papa-tetanus ka nanaman?’ Makikita mo ‘yan sa floor … may IED nga doon eh … ‘yung pressure — maraming basag na… Gusto mo mag-tinikling ka doon?” sabi ni Duterte sa isang press conference.
Idinagdag ni Duterte na wala siyang intensyon na bastusin ang mga Muslim.

“Look, I am the grandson of a Moro lady. I know the religion, I know the culture. ‘Wag ka na…kayong diyan sa Marawi, hindi kayo lahat, hindi ako galit sa inyo. But you guys, kayong mga Maute should take the blame for all. Ganun ‘yan eh,” ayon pa kay Duterte.
Nauna nang binatikos ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Assemblyman Zia Alonto Adiong ang umano’y kawalan ni Uson ng respeto sa pagpasok sa mosque ng mga Muslim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending