Transgender nagsayaw sa saliw ng 'Lupang Hinirang' habang naka-swimsuit; pop o flop? | Bandera

Transgender nagsayaw sa saliw ng ‘Lupang Hinirang’ habang naka-swimsuit; pop o flop?

Leifbilly Begas - September 12, 2017 - 03:14 PM

IKINADISMAYA ng isang solon ang tila pambababoy umano ng isang transgender na nakasuot ng  swimsuit habang nagsasayaw sa saliw ng Lupang Hinirang.

Screen cap mula sa Huli Cam Facebook page

Meron ng 6 milyong views sa Facebook page ng ‘Hulicam’ (bit.ly/2eYI3DL) ang video. Ayon kay Abra Rep. Joseph Sto Nino Bernos ang ginawa ng transgender sa Facebook ay isang paglabag sa Flag and Heraldic Code of the Philippines (RA 8491). “This video disrespects not only the National Anthem, but also the nationalistic spirit behind the lyrics and music of Lupang Hinirang,” ani Bernos. Sa ilalim ng batas, ayon kay Bernos, ang paglabag sa RA 8491 ay may parusa na multang P5,000 hanggang P20,000 at kulong na hanggang isang taon. “Playing the National Anthem as a background music as a tool for an act of entertainment or amusement deemed for public viewing (especially in social media),  not only shows disrespect to the symbols of the Republic, but also shows disregard to the laws that the Representatives of the people have worked on to promulgate, and manifests irresponsible use of social media to further personal agenda.” Sinabi ng solon na dapat ay patuloy ang pagpapaalala sa mga Filipino ng kahalagahan ng National Anthem at iba pang national symbol. Naniniwala si Bernos na dapat maparusahan ang gumawa ng video, alam man niya o hindi na may kaakibat itong parusa, upang maipakita ng gobyerno na seryoso ito sa pagpapatupad ng batas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending