Tsunami warning inisyu, binawi matapos ang malakas na lindol sa Mexico | Bandera

Tsunami warning inisyu, binawi matapos ang malakas na lindol sa Mexico

John Roson - September 08, 2017 - 06:50 PM

Inalerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga komunidad na nakaharap sa Pacific Ocean dahil sa posibleng tsunami na dulot ng malakas na lindol sa Mexico Biyernes ng tanghali, pero binawi ang babala matapos ang ilang oras.

Binawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang tsunami warning dakong alas-3 ng hapon, sabi ni Romina Marasigan, tagapagsalita ng NDRRMC.

Gamit bilang basehan ang impormasyon mula sa Pacific Tsunami Warning Center, sinabi ng NDRRMC na mga along mas mababa lang sa 0.3 metro ang inaasahan sa Pilipinas.

Pinakamataas namang naitala sa Mexico ang 1.01 metrong alon, ayon sa ahensiya.

Bago ito, sinabi ng NDRRMC na bagamat walang utos para mag-evacuate o lumikas, kailangang magmatyag at maghintay ang coastal communities ng update tungkol sa mga maaaring pagbabago sa lebel ng tubig sa dagat.

Iyo’y matapos maganap ang lindol na may “preliminary magnitude” na 8 sa dagat nasa hilagang-kanluran ng Chiapas, Mexico, dakong alas-12:49 (oras ng Pilipinas).

“An earthquake of this size has the potential to generate a destructive tsunami that can strike coastlines in the region near the epicenter within minutes to hours,” anang NDRRMC.

Kabilang sa mga inabisuhang umantabay sa updates ang mga coastal community sa Batanes group of islands, Eastern Samar, Cagayan, Northern Samar, Ilocos Norte, Leyte, Isabela, Southern Leyte, Quezon, at Surigao del Norte.

Inabisuhan ding mag-abang ng updates ang Aurora, Surigao del Sur, Camarines Norte, Davao Oriental, Camarines Sur, Davao del Norte, Albay, Davao del Sur, Catanduanes, Davao Occidental, at Sorsogon.

Sinabi ni Marasigan na wala pang natatanggap ang ahensiya na ulat tungkol sa anumang epekto ng lindol sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending