Saang batas galing ang P190-M fine sa Uber? | Bandera

Saang batas galing ang P190-M fine sa Uber?

Ira Panganiban - September 08, 2017 - 12:10 AM

UMAANDAR na muli ang Uber at masaya na ang mga commuters na gumagamit ng app-based ride-sharing program na ito.

Bagamat hindi nagiging madali ang biyahe sa Metro Manila, at least ay madali na kumuha nang sasakyan galing sa tahanan patungo sa kung saan man sila magpupunta.

Subalit sa isang post ng law firm na PM Dizon Law, tinatanong nito kung saan galing ang halagang P190 milyon na fine na ipinataw ng LTFRB sa Uber. Ito ay dahil hindi nila makita ang halagang ito sa kahit anong batas sa bansa.

Mahalaga ang tanong na ito dahil maaaring maabuso ng LTFRB at iba pang regulating agencies ng bansa ang kapangyarihan nilang magpataw ng fines sa mga negosyong tumatakbo sa bansa.

Base sa sinabi ng law firm Facebook post, nagsaliksik din ako ng mga tamang piyansa na ipinapataw ng LTFRB ay wala akong makitang piyansa sa anumang paglabag sa batas nila na nagkakahalaga ng P190 milyon. Maski yung unang fine na P5 milyon sa Uber at Grab ay wala sa batas.

Ito ay dahil lahat ng piyansa sa bawat paglabag sa mga panuntunan ng mga regulatory agencies ng Pilipinas ay nakasaad sa batas at nakalagak ito sa Office of National Registrar o ONAR na nasa University of the Philippines.

Sa nakita ko sa ONAR, ang regular na piyansa ng LTFRB sa mga paglabag sa batas sa nasasakupan nila ay umaabot lamang sa P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag, P15,000 sa ikatlong paglabag at suspension sa ikaapat na paglabag. Ito ay base sa sinasabi ng LTFRB na paglabag sa “common carrier law” na siyang kaso umano ng Uber at Grab.

Makikita ang mga halagang ito sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 o ang “Revised schedule of fines and penalties for violations of laws, rules and regulations Governing Land Transportation.”

Sa nasabing JAO ang pinakamataas na halaga ng fines ay umaabot lamang ng P50,000, P75,000, P100,000 at P200,000.

Wala sa kahit anong batas ng LTFRB na maaaring magpataw ng P5 milyon lalo na ng P190 milyon.

Dahil dito ay maaaring malagay pa sa alanganin ang LTFRB kung mag-iisip na magdemanda ang Uber at Grab sa sobrang laking fine na wala naman sa batas.

In fact, dahil hindi pa talagang defined ang batas na sumasakop sa Uber at Grab ay wala pa talagang fines na angkop para sa anumang paglabag na sinasabi ng LTFRB.

Para sa mga tanong at komento ay sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending