Vhong-Lovi movie kumita ng P60-M sa loob lang ng 1 linggo
Tumataginting na P60 million ang kinita sa loob ng isang linggo ng Vhong Navarro-Lovi Poe movie na “Woke Up Like This.” Dahil sa malaking tagumpay ng pelikula, nasambit ni Mother Lily na, “Bawing-bawi na ako!”
Nagbigay ng victory party ang mag-ina sa District 8 last Thursday. Present siyempre ang bidang si Vhong na hindi mailarawan ang kasiyahang nadarama sa success ng movie. Nagbigay ng video message si Lovi na kasalukuyang nasa Paris, France.
Sumali rin sa kasiyahan ang ibang cast gaya nina Cora Wadell, Yana Asistio, Raikko Mateo, Dionne Monsanto, Bayani Agbayani at director Joel Ferrer.
After “WULT”, abang-abang na tayo sa coming movies ng Regal na “The Debutants”, “Recipe For Love”, “Haunted Forest”, “This Time I’ll Be Sweeter” at “My Fairy Tail Love Story.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.