Naging bagyo na ang binabantayang Low Pressure Area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Pero lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility at may international name na Mawar. Ito ay nasa layong 345 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag kahapon ng umaga. Wala man sa PAR, naaapektuhan naman nito ang Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa. Ang bagyo ay mayroong hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.