Gerald todo alaga sa katawan: 3 years na akong di nagkakasakit! | Bandera

Gerald todo alaga sa katawan: 3 years na akong di nagkakasakit!

Reggee Bonoan - August 24, 2017 - 12:25 AM

HINDI biro ang lifestyle ni Gerald Anderson bilang atleta at aktor, isama pa riyan ang kanyang mga adbokasiya kaya kung wala siyang “maintenance” na iniinom ay marahil matagal nang bumagsak ang katawan niya.

Ang ganda ng pangangatawan ng aktor ngayon at aminado siyang araw-araw siyang nag-eehersisyo, “Hindi po buo ang araw ko kapag hindi ako nakapag-workout,” pag-amin ni Gerald.

Dagdag pa niya, “Ang tagal ko nang hindi nagkakasakit kasi minsan hindi maiiwasan na matuyuan ka ng pawis kapag busy ka sa trabaho. Yes, for the last three years hindi ako nagkakasakit o nagka-fever. Isa sa mga iniimom ko itong CosmoCee Vitamin C na para sa active lifestyle talaga. More on maintenance, lalo na sa lifestyle ko.”

Hindi naman itinanggi ng may-ari ng Bargn Pharmaceuticals (ang gumagawa ng CosmoCee) na sina John Redentor Gatus, Jr. at Nino Bautista na sakto talaga si Gerald sa produkto nila kaya ni-renew ulit nila ang kontrata nito bilang ambassador.

“Gerald is the perfect embodiment of one of our best-selling brands. I think, among the roster of great young actors in the industry today, Gerald is one of the few who really value total, holistic health and wellness. It’s very evident in the way he makes time for fitness even with his busy schedule,” sabi ni Nino.

Ang CosmoCee ang bukod-tanging vitamin C na gawa sa Citrus Bioflavionoids, at non-acidic ito kaya ligtas para sa lahat.
Itinatag noong 2006 ang Bargn na naging pangunahing integrated neutraceutical, beauty, at vitamin company dito sa Pilipinas na may malakas na presensiya din sa 10 iba pang bansa.

Kuwento ni Gerald na kamakailan lang ay sumali sa triathlon sa Cebu, nag-iiba talaga ang lifestyle ng isang tao habang nagkakaedad, lalo na siya na maraming sports na sinasalihan dahil hindi lang naman basketball ang ginagawa niya.

“Nag-iba talaga, kasi isipin mo ‘yung swim, bike at run gagawin mo sa isang araw kaya patayan talaga sa schedule at oras. Ang pinaka-enjoy ‘yung swimming tapos ‘yung bike, ang pinakamahirap sa akin ‘yung takbo kasi ito ‘yung pinakadulo kasi pagod na pagod ka na tapos tatakbo ka pa ng 10k or 5k.

“Kaya nga may mga biglang nag-collapse, feeling ko hindi nakapag CosmoCee. Ha-hahaha! Joke lang. Siguro nakapaghanda lang, pero mahirap ang sports na ‘yan, sobra. Kaya mataas ang respeto ko sa mga triathletes,” kuwento ng binata.

At dito na nabanggit ni Gerald na sobrang bilib siya sa leading lady niyang si Kim Chiu sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin dahil nakakaya nitong tumakbo ng 21k. Aniya, “Ang hirap no’n ha. Ang lakas talaga niya!”

Oo nga, kahit puyat at pagod si Kim ay nagagawa pa rin niyang tumakbo. Hmmmmm, wala bang planong kunin ng Bargn Pharmaceuticals ang aktres bilang female counterpart ni Gerald bilang endorser?

q q q

Samantala, natanong din si Gerald kung nayaya na niyang tumakbo ang rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo, “Tumatakbo na rin, sumasali na rin siya minsan. Gusto kong sabihing na-influence ko siya, pero hindi, eh, kasi siya ‘yun. Araw-araw siyang tumatakbo maski nasa sa taping.”

“Nakakatuwa kasi ‘yung lifestyle ko, kahit paano nakakahawa ako, ‘yun naman ang gusto ko bilang tao to inspire ibang tao. Actually, ginagawa ni Bea (tumakbo), hindi lang nakikita (na iba). Sabi ko nga araw-araw siyang tumatakbo. Nag-10k na yata siya,” kuwento ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa pagiging aktor at atleta, meron na ring Gerald Anderson Foundation ang binata na nagbibigay ng tulong sa Philippine Coast Guard K-9 Search And Rescue Unit at aktibo rin sa pagtulong sa Cottolengo Filipino, Inc., isang institusyon para sa mga bata na mayroong special needs.

Malapit din ang puso ng aktor sa mga sundalo kaya niya ginawa ang pelikulang “AWOL”, sa katunayan, nag-organize siya ng isang special screening ng pelikula para sa mga wounded soldiers ng Marawi bilang pagbibigay-pugay sa mga sundalo na nag-aalay ng kanilang buhay para sa bawat Pilipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending