DU30 ibinuking ang isang opisyal na sobrang luho kapag bumibiyahe
IBINUKING ni Pangulong Duterte ang isang opisyal ng gobyerno na umano’y maluho kapag bumibiyahe sa ibang bansa.
“May isang opisyal tayo dito sa gobyerno, na tiningnan namin ‘yung travel — hindi sa departamento, not the Executive department — na kung magsakay ng eroplano, mag-abroad, first-class. Tapos ang mga hotel niya, ‘yung mga suite. May isang Presidential suite pa ang kinuha. T*** i**…,” sabi ni Duterte sa isang talumpati matapos ang dinner kasama ang Philippine Air Force Dragon Boat Team sa Malacanang.
Idinagdag ni Duterte na papangangalanan din niya ang opisyal.
“But this will come out sabi ko because I simply do not… ,” ayon pa kay Duterte.
Tumanggi namang magkomento si Presidential Spokesperson Ernesto Abella kung si Chief Justice Sereno ang tinutukoy ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.