Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang Leyte kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:26 ng umaga. Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershock ang paggalaw na ito. Ang sentro nito ay limang kilometro sa silangan ng Albuera at may lalim na limang kilometro. Gumalaw ng tectonic plate sa lugar na naging sanhi ng lindol. Nagdulot ito ng Intensity V paggalaw sa Ormoc City at Albuera. Intensity IV sa Pastrana at Intensity III sa Tacloban City at Palo, Leyte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.