Proteksyon ng migranteng manggagawa | Bandera

Proteksyon ng migranteng manggagawa

Liza Soriano - August 23, 2017 - 12:10 AM

KINAKAILANGAN ang sama-samang pag-aksyon sa mga kaalyadong bansa upang matiyak ang proteksyon at promosyon ng karapatan at kapakanan ng mga migranteng manggagawa.

Kinakailangang matiyak ang kahalagahan na mabigyan ng proteksyon ang mga migranteng manggagawa sa mga kaalyadong bansa.

Ang mga kaalyadong bansa ay may moral na obligasyon na tiyakin na ang mga migranteng manggagawa ay magkaroon ng ligtas at disenteng trabaho kahit saan o ano man ang sitwasyong kanilang kakaharapin.

Ang mga panuntunan sa paggawa ay dapat na ipatupad sa lahat ng mga manggagawa kahit saang bansa pa sila nagtatrabaho.

Dahil dito, nagsagawa rin ng pulong ang ibang komite kabilang na ang Committee on the Fundamental Principles and Rights at Work.

Kabilang sa mga isyung tinalakay ay may kaugnayan sa freedom of association, right to collective bargaining, elimination of forced labor, abolition of child labor, at ang elimination of discrimination in employment and occupation.

Iniulat din sa Eight-Point Labor and Employment Agenda ng kasalukuyang administrasyon na naglalayong makamit ang inclusive development at labor justice.

Ang agenda ay nakatuon sa iba’t ibang hakbangin upang tugunan ang unemployment, paigtingin ang national program on workers’ protection and welfare, at palakasin ang labor dispute resolution mechanisms.

Mahalaga ang pagtutulungan sa pagitan ng paggawa at migrasyon upang makabuo ng ma-tibay na pundasyon para sa international framework na titiyak sa kaligtasan, dignidad, at kara-patang pantao ng mga manggagawa.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending