Anne ayaw maging politiko: Gusto ko fairy godmother!
ISANG malakas na “No!” ang naging sagot ni Anne Curtis nang tanungin kung may plano rin ba siyang pasukin ang mundo ng politika.
Maraming hindi nakakaalam na active si Anne sa napakaraming charity projects, sandamakmak din ang kanyang tinutulungan ngayon pero ayaw na niyang banggitin pa ang mga ito. Sey ng TV host-actress, mas gusto niya raw maging “fairy godmother” kesa sa maging politician.
Sa press launch ng kanyang latest charity project, ang Dream Machine na isang platform para matulungan ang mga kababayan nating ipaglaban ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kahirapan ng buhay, sinabi ni Anne na napakasarap sa feeling ang makatulong at makapagpasaya ng mga taong nakikipaglaban sa buhay sa patas at tamang paraan.
“Ang dami kasi talagang nangyari sa akin na maganda so gusto ko ibalik yun, how to pay it forward, and that’s how this came about. I have always been a dreamer. In my 20 years in showbiz I have worked hard to reach for my dreams. I am blessed to have already achieved most of my dreams and it’s now my turn to be able to be a blessing to others through this.
“Dream Machine will be a platform wherein people who want to want to pursue their dreams or make their dreams happen can be vocal about it on the website and hopefully we can make these dreams come true for you,” paliwanag ni Anne.
Bilang founder ng Dream Machine, nais ni Anne na i-encourage ang mga Pinoy na magpursige para sa kanilang mga pangarap. Nais din niyang manawagan sa mga taong nais mag-volunteer na tumulong sa kanilang kapwa na abutin ang kanilang mga pangarap.
“Isa po itong passion project para sa akin kasi I’ve reached a point na parang ang dami talagang mga pangarap ko na nagkatotoo so naisip ko paano na ako makakapagbigay na ulit? How can I give back? How can I encourage others?
“Kaya nabuo ito na Dream Machine where people can go online, they can submit their dreams, and then hopefully we can make them happen for you. So this is open to everyone. Isa siyang machinery where you can either be a chaser of dreams or a dream maker. Kung gusto mo mag-volunteer, puwede ka mag-donate din. Wala kaming pinipili na edad, gender, or where you are in life. It is open to everyone,” esplika pa ng It’s Showtime host.
Dagdag pa niya, “Very, very personal ito sa akin kasi parang isa akong dreamer dati na nadi-dream shame, sarili ko ring naiisip na parang hindi ko kayang abutin yung mga pangarap na yun.
“So I changed my way of thinking and I thought to myself, ‘I will make my dreams come true.’ And here I am today standing in front of all of you na thinking, ‘Okay I’ve reached my dreams. How can I give back?’ Gusto ko i-encourage yung mga taong hindi naniniwala na puwede mangyari yung mga pangarap nila. And there’s a whole team of people who are willing to help you,” aniya pa.
Malapit nang ikasal si Anne kay Erwan Heussaff, pero ayaw pa niyang magdetalye tungkol dito. Aniya, kung meron pa siyang pangarap sa buhay, “One of my biggest dreams is to have a healthy family in the future.”
Para sa unang proyekto ng DM, magaganap ang Color Run para sa pangarap ng mga disabled children sa pangangalaga ng UNICEF. Dalawang taon nang ambassador ng UNICEF si Anne.
Bukod dito, bibigyang-katuparan din nina Anne ang dream wedding ng tatlong couple sa first quarter ng 2018. Kaya inaanyayahan ng DM ang mga magdyowa na i-share at i-post ang kanilang love stories sa Dream Machine website (www.dreammachine.ph) o sa kanilang social media accounts (@DreamMachinePH) . Ang tatlong pinakamaganda at pinaka-inspiring na kuwento na mapipili ng DM ang mabibigyan ng chance para matupad ang kanilang dream wedding.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.