Marian umamin: Totoong nabawasan ang panahon ni Dingdong para sa akin, pero...! | Bandera

Marian umamin: Totoong nabawasan ang panahon ni Dingdong para sa akin, pero…!

Jun Nardo - August 23, 2017 - 12:10 AM


SOLDOUT agad ang dalawang flower arrangements ni Marian Rivera na kanyang ginawa para sa art exhibit na “I Am Super” na project ng YES Pinoy Foundation na pinamamahalaan ng asawang si Dingdong Dantes.

Bukod dito may collaboration din siya sa mga artist na sina Carlo Saavedra at Mark Paderal.

Nagbukas sa publiko last Monday, Aug. 21, sa Resorts World Manila ang nasabing art exhibit kaugnay ng 8th anniversary ng YPF kung saan tampok din ang paintings ng artists nina Saavedra at Padernal.

Ang proceeds ng exhibit ay pampagawa ng YPF Go Bags na ipamamahagi ng foundation sa estudyante ng 10 eskuwelahan sa buong bansa. Isinabay sa exhibit ang disaster resilience campaign sa event.

Atubili nga si Yan Yan na gumagawa dahil sa agam-agam na baka hindi magustuhan. “In fairness naman, soldout. Dalawa na lang. Sabi ni Dong, gusto niya ng may collaboration sa painters. Sabi ko, parang mahirap ‘yan.

“Tinanong ko mga painter. “Kayo na ang mag-dictate sa akin kung ano ang gagawin ko.’ Hindi ko painting eh. Medyo sensitive para sa akin. ‘Ay ayoko galawin, natatakot ako.’ Sila ang nagsabi sa akin ang gagawin,” pahayag ni Marian na sa sa nag-cut ng ribbon.

Sa okasyong ‘yon, naging emosyonal si Yan sa kanyang pahayag, “Nakaka-proud kasi si Dong eh. Kahit siguro kayo, para gawin ninyo ito sa ibang tao, parang napakabusilak ng kanyang puso. Ano pa kaya akong asawa niya?

“Oo, nabawasan ang oras niya pero hindi naman forever ito. Hindi naman araw-araw busy siya para rito. Heto nairaos na namin. Ibebenta na lang namin,” rason ng GMA Primetime Queen.

Babayaran daw ni Dong ang nagastos niya? “Echosera siya! Ha! Ha! Ha! Hindi. Sa akin kuripot ‘yon! Ha! Ha! Ha! Hindi. One hundred percent bayad ‘yon,” tugon niya.

Natanong din kay Marian ‘yung poser niya sa Twitter na si @superstarmarian na gamit ang pangalan niya. May post siya sa Instagram niya na pinatatanggal na niya ito.

“Dati dinidedma ko lang kahit ginagawa akong katatawanan. Parte ‘yon bilang artista so okay lang. Pero para siraan mo ang Presidente ng Pilipinas bilang respeto, dapat hindi mo ginagawa ‘yon. Nasa pangalan ko pa!

“Alam nating maraming supporters an gating President tapos pangalan ko pa. Teka, sandali, huh! It’s about time na magsasalita ako na hindi ako ‘yan! Wala akong Twitter account, may Facebook ako pero admin ko ang may hawak. Ang tanging hinahawakan ko is Instagram,” paliwanag ni Yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapwa sila gumagawa ng paraan ni Dingdong para matanggal ang account. “Altough sinasabi niya na hindi siya ako pero para gamitin ang pangalan ko, that’s unfair! Sana tama na!” saad pa ni Yan Yan na malapit nang mapanood sa Super Ma’am sa September kung saan may special participation ang kanyang “kakambal” na si Ai Ai delas Alas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending