Babala kay Coco: Isa lang ang buhay, ingatan ang kalusugan | Bandera

Babala kay Coco: Isa lang ang buhay, ingatan ang kalusugan

Cristy Fermin - August 23, 2017 - 12:10 AM

COCO MARTIN

KUNG galing sa pag-arte at propesyonalismo ang pag-uusapan ay yakap-yakap ni Coco Martin ang mga katangiang ‘yun. Magaling na siyang aktor ay napakaresponsable pa, ipinagmamalaki siya ng kanyang mga kapwa artista, dahil totoo namang mahal na mahal ni Coco Martin ang kanyang propesyon.

‘Yun ang dahilan kung bakit minamahal din siya nang doble pa nga ng kanyang trabaho. Marami nang nagtangkang pataubin ang rating ng pinagbibidahan niyang Ang Probinsyano, pero palaging bigo ang lahat, tutok na tutok ang buong bayan sa makabuluhan niyang serye.

Pero may mga nag-aalala para sa kalusugan ng sikat at magaling na aktor, baka raw naman nakalilimutan na ni Coco na tao lang siya, sa isang bigwas lang ng pagkakataon ay puwede siyang magkasakit.

“Lagare siya sa Ang Probinsyano at sa Panday na ipapasok niya sa MMFF. Hindi ganu’n kasimple ang schedule niya, siya pa ang head ng creative group ng series niya, direktor naman siya sa ginagawa niyang movie.

“Baka naman spreading too thinly na siya, baka one day, e, bigla na lang siyang bumagsak dahil sa tindi ng work load niya? Kailangan din niya ng pahinga, si Coco pa naman, kapag may project siya, e, sobra siyang involved,” pagmamalasakit ng aming kakuwentuhan.

Iisa lang ang buhay, hindi natin mabibili sa kahit anong department store ang pamalit sa ating buhay kapag nawala na, kaya dobleng ingat kundi man triple ang kailangang gawin ni Coco Martin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending