Unang gintong medalya hatid ni Tabal | Bandera

Unang gintong medalya hatid ni Tabal

Angelito Oredo - August 19, 2017 - 10:14 PM

PUTRAJAYA CITY, Malaysia — Pinatotohanan ni Mary Joy Tabal ang kanyang pangako at salita kahit ninenerbiyos upang ipakita ang determinasyon na naging susi nito upang mahandugan ng buena-manong gintong medalya ang Pilipinas sa pagwawagi sa women’s marathon ng 29th Southeast Asian Games kahapon ng umaga rito.

Binagtas ng 4-foot-11, 28-anyos Filipina marathoner mula sa Barangay Guba, Cebu City ang 42.195-kilometrong footrace sa loob ng 2 oras, 48 minuto at 26 segundo sa coast-to-coast win sa ilalim nang makulimlim at medyo malamig na klima.

Isang matamis na pagresbak din ito para sa 2016 Rio de Janeiro Olympian sa tumalo sa kanya sa 2015 SEA Games kung saan naka-silver siya sa tinulak niya rito sa bronze na si Natthaya Thanaronnawat ng Thailand na may clocking na 2:58:17.

Nasingitan pa ang Thai sa silver ni Hoang Thi Tanh ng Vietnam na may 2:55:53 sa five-loop circuit full-marathon route, sinabayan ng SEAG 15K/5K Run na nilahukan ng 20,000 runners sa katabing kalsada sa maunlad na lungsod na may malinis at maluluwag na kalsada.

May 3:04:39 si Tabal kumpara sa 3:03:35 ng Thai runner dalawang taon na ang nakalilipas, habang ang Vietnamese ay may 3:07:14.

“Kada hakbang ko noong una ay napakabigat dahil parang bitbit ko ang lahat ng mga paghihirap ko bago lumaban. Ninenerbiyos ako nung umpisa pero tuwing naririnig ko ang hiyawan ng mga Pilipino sa ruta lumalakas ang katawan ko,” maemosyong bulalas ni Tabal pagkatawid ng finish line na binuyangyang ang national flag habang lumuluha sa saya.

Papasok sa huling arangkada sa meta, inabutan pa siya ng isang basong tubig ni Philippine Amateur Track and Field Association president Philip Ella Juico, niyakap pagkaraan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez at kinamayan ni PSC Executive Director Atty. Carlo Abarquez.

Kasabayan ni Tabal sina Thanaronnawat at Tanh sa unang dalawang ikot o 16 kilometro sa makinis na kongkretong patag na ruta. Pagpasok ng pangatlo, iniwan niya ang dalawa ng 100 metro palayo kung saan nalagay sa likod niya ang Vietnamese at mag-isang nakabuntot ang Thai tungo sa panalo.

Hindi lang mga Pinoy ang nagbunyi sa kanya sa finish line kundi maging ang ilang OFW at Malaysians na mga Instagram followers at FB friends niya.

Pero nahaluan ng lungkot ang panalo pa rin niya nang hindi makatapos si Jeson Agravante sa men’s division dahil sa left leg cramps sa last 5K.

Gold-silver-bronze winners sina Singaporean Soh Rui Yong (2:29:27), Indonesian Agus Prayogo (2:31:20) at Malaysia’s Muhaizar Mohamad (2:31:52).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending