Coco sa mga sundalong Pinoy: Utang na loob po namin sa inyo ang aming buhay! | Bandera

Coco sa mga sundalong Pinoy: Utang na loob po namin sa inyo ang aming buhay!

- August 20, 2017 - 12:30 AM

IPINADAMA ng ABS-CBN ang pagmamahal at pagkilala nito sa mga sundalong Pilipino sa programang “Saludo sa Sundalong Pilipino” na ginanap kamakailan sa auditorium ng AFP Medical Center.

Katuwang ang AFP, tinupad ng Kapamilya network ang hiling ng mga sundalo na makita at makasalamuha ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, habang nagpapagaling sila mula sa pakikipaglaban sa Marawi at sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Mahigit 150 sundalo ang dumalo sa event kung saan unang nagtanghal ang The Voice Season 2 finalist na si Daryl Ong, kasunod ang “CIDG” boys na sina John Medina, Lester Llansang, Michael Roy Jornales, Benj Manalo at Marc Solis. Naroon din sina Awra, Ligaya at Pacquito at ang loveteam nina Ejay Falcon at Yam Concepcion at Ron Morales at Louise delos Reyes.

Pinatawa naman ni Jeffrey Tam ang audience sa kanyang magic tricks, habang nagpakilig naman sa mga kababaihang naroon si Jhong Hilario sa kanyang dance number. Nag-perform din sina Yassi Pressman at ang Teleserye King na si Coco Martin, habang nagbigay-pugay rin sa katapangan at kagitingan ng sundalong Pilipino sina Susan Roces, Jaime Fabregas, Mitch Valdez, Angel Aquino, Sid Lucero at Mark Lapid. Sina Malou Crisologo, PJ Endrinal, Marvin Yap at Long Mejia naman ang nagsilbing hosts ng programa.

Nakisaya rin ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, Deo Endrinal, Jun Dungo at Kane Errol Choa sa event, na ideya ng ABS-CBN news reporter na si Chiara Zambrano. Personal na nasaksihan ni Chiara ang mga sakripisyo at paghihirap ng militar noong nasa Marawi siya upang mangalap ng balita ukol sa bakbakan.

Para naman magpatuloy ang pagdadala ng aliw ng ABS-CBN sa mga sundalo, isang TV set at isang ABS-CBN TVplus ang ibinigay ng network sa ospital na ipinresinta kay Jean Ano, ang maybahay ng AFP chief of staff na si Eduardo Ano. Naghanda rin ng grocery packages at personal care kits para sa mga sundalo ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya na ibinahagi mismo ng buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ipinaalala ni ABS-CBN Integrated Public Service head Jun Dungo sa mga sundalo ang suporta ng buong ABS-CBN sa kanilang laban, “Katuwang nyo po kami, ang buong ABS-CBN sa adhikain na magkaroon ng mapayapang Pilipinas at magkaroon ng ligtas na lipunan ang kasulukuyang henerasyon at susunod na henerasyon. Saludo kami sa inyong lahat!”

Dagdag naman ni Coco, “Salamat sa ABS-CBN. Sila po ang aming nakakasama sa mga ganitong pagkakataon upang makapagbigay ng tulong at maiparamdam ang pagmamahal sa lahat ng Pilipino at sa mga sundalo tulad n’yo. Utang na loob namin ang buhay namin sa inyo.”

Panoorin ang programang “Saludo sa Sundalong Pilipino” na handog ng ABS-CBN tampok ang buong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” online sa www.facebook/abscbnNews/.
Samantala,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending