Horoscope, August 18, 2017 | Bandera

Horoscope, August 18, 2017

Madam Sophia |August 18,2017
facebook
share this

Horoscope, August 18, 2017

Madam Sophia - August 18, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang selebrasyon sa taimtim na panalangin at pagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos, yayain ang kasuyo sa isang romantikong lugar. Habang kasama ang kasuyong Aries, mas maraming suwerteng darating. Mapalad ang 3, 12, 21, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om.” Red at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Umiba ng landas. Kapag nag-iba ka ng daan, malaking suwerte sa salapi ang mararanasan. Sa pag-ibig, masarap na romansa ang dulot ng kasuyong Libra. Mapalad ang 6, 12, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Yellow at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa araw na ito ay baguhin ang ayos ng silid. Iharap sa silangan ang kamang tulugan upang dagdag na suwerte sa salapi at mainit na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om.” Red at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ayusin ang paglakad. Kapag mabilis at matatag ang bawat hakbang, mas maraming suwerte pang materyal at maligayang pag-ibig ang mararansan. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Om.” Silver at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Pag muling bumuhos ang ulan magtanim ng punong chico sa gilid ng bakuran sa gawing silangan. Ang anomang punong kahoy na matamis ang bunga ay magdudulot ng dagdag na biyaya at suwerte sa buong pamilya. Mapalad ang 7, 9, 22, 24, 32, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Matutupad na ang inaasahan mong paglalakbay. Ngayon pa lang mag-ipon na ng maraming pera upang pagdating sa malayong lugar may mapanggagastos ka. Sa iyong pagbabalik, uwian ang kasuyo ng paborito niyang pagkain. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Red at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Mahalin ang kasuyo kahit na marami kang nakikitang kapintasan niya. Wala namang perpektong tao. At isa pa, wala namang ibang magmamahal sa kanya kundi ikaw! Sa pananalapi, ituloy lang ang pagsisipag, malapit na malapit ka ng yumaman. Mapalad ang 5, 15, 22, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.”
Libra – (September 23-October 23)— Upang mapanatiling masagana at nagmamahalan ang bawat miyembro ng pamilya, regular na lagyan ng sariwang bulaklak ang ibabaw ng mesa. At bago matulog ugaliing magdasal na nakaharap sa direksyong silangan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Habang suot ang red at black na damit, isang masarap ngunit nakalilitong relasyon ang mabubuo. Maiwasan ang tukso kung wag munang magsuot ng damit na may kumbinasyong black at red. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Pink at white ang mas buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dadaloy ang mas maraming salapi kung tatanggalin ang mga gamit na nasa gitna ng sala. Kapag aliwalas ang buong kabahayan, mas maraming suwerteng darating sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Govinda.” Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Maging bukas-palad sa mga taong nagtataglay ng bilugang hugis ng pagmumukha. Kapag natulungan mo sila, dobleng biyaya ang ibabalik nila sa iyo. Mapalad ang 4, 18, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isang kakilala buhat sa malayong lugar ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Gamitin ito sa negosyong may kugnayan sa kumunikasyon. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Libra, kaysa sa walang love life. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Gopalagoh-Dosya-Om.” Purple at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Mag-display ng aquarium sa entrada ng inyong bahay. Walong itim na isda at isang pulang isda. Puwede ring walong pulang isda at isang itim na isda. Sa ganyang paraan, sususwertehin ka na at ang buong pamilya. Mapalad ang 7, 10, 27, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending