Christian Bables nagpakita ng pwet sa pelikula ni Chito Roño, handa ring maghubo’t hubad | Bandera

Christian Bables nagpakita ng pwet sa pelikula ni Chito Roño, handa ring maghubo’t hubad

Reggee Bonoan |August 18,2017
facebook
share this

Christian Bables nagpakita ng pwet sa pelikula ni Chito Roño, handa ring maghubo’t hubad

Reggee Bonoan - August 18, 2017 - 12:05 AM

CHRISTIAN BABLES

MASARAP palang interbyuhin ang hinirang na Best Supporting Actor sa nakaraang 40th Gawad Urian para sa pelikulang “Die Beautiful” na si Christian Bables kung saan siya gumanap bilang si Barbs.

Nakausap namin at ng iba pang entertainment reporter ang binatang aktor sa ginanap na launching ng Idea First Company na isa na ring talent management dahil ipinakilala na nito ang sariling roster of talents and directors.

Taklesa rin kasi ang baguhang aktor kaya aliw na aliw sa kanya ang lahat ng imbitadong miyembro ng entertainment press habang sinasagot ang mga tanong lalo na nang usisain siya kung bakit tinanggap niya ang papel na sidekick ni John Lloyd Cruz sa “Finally Found Someone” ng Star Cinema.

Diretsong tinanong ang aktor kung alam ba niya na ganu’n lang ang role niya sa pelikula nina Lloydie at Sarah Geronimo, nailing muna ag award-winning actor.

Pero ipinaliwanag mabuti ni Christian na may pagbabago pala sa script kaya nauwi sa ganu’ng level ang role niya.

“Nu’ng pinitch po sa amin (kasama manager) ‘yung character ko, maganda naman po and John Lloyd-Sarah po ‘yun, so medyo na-starstruck po, kaya tinanggap po namin.

“E, since nagbago-bago ng script, hindi na po nasunod ‘yung pinitch sa akin na story, pero masaya naman po ako sa kinalabasan ng movie,” nakatawa nitong paliwanag.

Isa pang ikinaloka ng lahat nu’ng tanungin siya tungkol sa pagpayag daw niya sa frontal nudity sa pelikulang idinidirek ni Chito Roño na intended for 2017 Metro Manila Film Festival. Sagot agad ng binata, “Walang pong frontal, pero kita po ‘yung pwet ko.”

Wala raw sinabi si direk Chito na magpapakita siya ng private part niya, “Hindi naman po ako pinag-frontal, pwet lang ang kailangan sa scene,” saad ng aktor.

Pero kung sakaling hilingin na magpakita siya ng kanyang private part, “Kung hiningi po (frontal), opo naman po,” diretso niyang sagot.

Naloka ang press kaya nagtatakang nagtanong ang binata kung bakit, “Kung hinihingi po, gagawin ko po,” ulit ni Christian.

At kaswal lang din na nasabi ni Christian sa harap ng press na nag-sex sila ng gumanap na girlfriend niya sa nasabing pelikula.

“Parang coming of age po na mayroon akong girlfriend doon na parang last na naming pagkikita so nag-ano po kami ng girlfriend ko. Bale first and last po naming pagdu-do,” natatawa ring sabi ng binata.

Dagdag pa niya, “Probinsyano po kasi ako, tapos sumunod ako ng Manila kasi sa Manila nagtatrabaho ‘yung girlfriend ko, so iyon po ang last naming pagkikita kaya sa bahay po niya kami nag-ganu’n.”

E, bakit kailangan ang pwet niya sa istorya? “E, kasi po nagdu-do!” walang malisyang sabi ng aktor kaya nagtawanan ang entertainment media.

At dahil baguhan kaya siguro wala pang restrictions si Christian sa mga gagampanan niyang karakter.
“Opo, depende po siguro sa istorya at sa direktor ko siguro po that’s how I love my craft, sobra ‘yung passion ko po sa acting, sobrang umaapaw po. So, kung ano po ‘yung tunay na nangyayari sa buhay, willing po akong gawin,” paliwanag ni Christian.

May TV project din Christian, ang Born Beautiful (sequel ng Die Beautiful) na mapapanood sa Cignal Cable TV kung saan muli siyang gaganap na Barbs na magsisimula nang mag-shoot ngayong Setyembre.

“Namatay na po kasi si Trishia (Paolo Ballesteros) sa movie kaya kuwento naman ni Barbie itong sa Born Beautiful, bale spin-off po,” sabi ni Christian.

Kaya raw sa Idea First Company nagpa-handle si Christian ay dahil naniniwala siya na magiging maganda ang career plan ng kumpanya para sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang production and management company nina Perci Intalan at Jun Lana na Iidea First ang nagbigay ng magandang break kay Christian sa pamamagitan ng mga pelikulang “I Love You To Death” at “Die Beautiful.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending