Bela, JC nagpakilig, nagpaiyak sa ‘100 Tula Para Kay Stella’
PANG-MILLENIAL ang dating ng bagong obra ng writer-director na si Jason Paul Laxamana na “100 Tula Para Kay Stella”.
Paglikha ng mga tula ang naging paraan ng bidang lalaki na si JC Santos para sa maiparating ang kanyang mga hugot sa pag-ibig kay Bela Padilla.
Bidang-bida rito si JC dahil sa kanya umiinog ang kuwento. Nagpaubaya si Bela sa aktor na ang galing-galing sa kanyang mga eksena. Ambisyosang estudyante ang role ng aktres na mas inuuna ang kanyang pangarap na maging singer kesa sa pag-aaral kumpara kay JC.
May speech defect ang karakter ni JC sa kuwento. Alhough may moments na nawawala siya sa “three word rule” para hindi mautal, hindi dahilan ‘yon upang hindi niya maitawid ang role. Simple lang ang dating niya pero may kurot sa puso sa mga eksenang nababalewala siya ni Bela.
Isa sa entries ngayong Pista Ng Pelikulang Pilipino ang “100 Tula Para Kay Stella” na binigyan ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula ngayong araw mula sa Viva Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.