Jake Zyrus sinisi sa sunud-sunod na lindol sa Pinas; tuloy pa rin ang 'buwanang dalaw' kahit lalaki na | Bandera

Jake Zyrus sinisi sa sunud-sunod na lindol sa Pinas; tuloy pa rin ang ‘buwanang dalaw’ kahit lalaki na

Cristy Fermin - August 14, 2017 - 12:25 AM

CHARICE

DAHIL wala nga kaming kahit anong social media account, kapag dumarating kami sa radyo tuwing hapon ay ipinakikita ng mga staff ng “Crtisty Femrinute” sa amin ang mga kontrobersiyal na artistang pinagpipistahan sa social media, ipinababasa rin sa amin ang mga posts ng mga bashers.

Kapag sinimulan mo nang basahin ang maiinit na komento ay parang ayaw mo nang bumitiw, kakainin pala talaga nu’n ang oras mo, dahil nakawiwindang ang mga posts na mababasa mo tungkol sa mga personalidad na pinagtitripan nila.

Si Charice Pempengco ang isa sa mga artistang binibimbang ng mga kababayan natin. Siya ang sinisisi ng mga ito kung bakit nagkakaroon ng kalat na paglindol sa maraming probinsiya.

Nagagalit daw ang kalikasan dahil sa planong pagpapalagay ng lawit ni Jake Zyrus. May isa pa ngang nag-post na dinatnan daw si Charice nu’ng nakaraang buwan, hindi raw totoong naputol na ang kanyang buwanang dalaw, nireregla pa rin daw ang transman.

Ewan kung paano tinatanggap ng magaling na singer-performer ang mga ganu’ng salita, sobrang sakit ng mga paghusgang ibinabato laban sa kanya, matibay rin ang dibdib ni Charice para hindi sumuko.

Talagang siya ang sinisisi at itinuturong dahilan ng mga bashers kung bakit nililindol ngayon ang ating bayan, pati raw ang kalikasan ay hindi umaayon sa mga pinaggagagawa ni Charice Pempengco, tuloy ay ang dami-daming nadadamay.

Aray ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending