One month notice bago resignation o termination
MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. May query lang po ako para sa Department of Labor and Employment. Ako po ay isang ordinaryong manggagawa ng isang kumpanya dito sa Makati. Nag-file po ako ng irrevocable resignation noon pang July 20.
Namg mai-file ko ang resignation ko, ang sabi ng HR namin dapat daw po one month notice muna bago ako mag-resign at hindi pwedeng automatic na aalis agad ako sa trabaho dahil labag daw po sa company policy. Ask ko lang kung talaga po bang may violation doon at ano po ang pwede kong labagin? Gusto ko na sana po na makaalis sa trabaho dahil may lilipatan na po ako na mas malaki ang sweldo at ang pangamba ko lang ay may makuha na silang ibang empleyado. Sana po ay agad na masagot ng DOLE ang aking katanungan. Tatanawin ko po na isa itong malaking utang na loob.
Salamat po.
Arvin Lara
San Francisco,
del Monte, QC
REPLY: Malinaw po sa labor code, mapa-termination o resignation man, ang empleyado ay nararapat mag serve ng one month duration prior to his/her resignation or termination date para sa mga araw kayo ay makapag proseso ng inyong clearance. Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan.
Salamat po.
Action Center
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.