IMBES daw na i-stressin niya ang sarili sa mga kontrobersyang kinakaharap ng kanyang administrasyon, mas pinili raw ni Ilocos Gov. Imee Marcos na ituon ang kanyang oras at pagod on what she’s good at: trabaho at pag-aasikaso sa kanyang mga constituents.
(Di gaya ng mga politikong gumawa ng mga isyu sa kanya nitong nakaraang mga buwan na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pabida sa Kamara. Ayun at may bago na namang ginigisa kuno kaya bida na naman sa media!)
Good on her.
At dahil move on na nga ang drama niya sa isyu (sana sila rin), Imee has opted to do her share in aiding those people na naapektuhan ng gera sa Marawi. Bongga, di ba?
Chika niya, recently ay nagbigay ang Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN) ng financial assistance na umabot sa P150,000 sa 150 pamilya sa Brgy. 1, Laoag City, kung saan naninirahan ang ating mga Muslim brothers and sisters.
FYI: Halos lahat ng mga nasa Muslim members sa Brgy. 1 ay mga kamag-anak ng mga Muslim na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan sa Marawi City.
Aside from helping those living in Laoag, ongoing pa rin ang fundraising para naman doon sa mga relatives nila who were caught in the ongoing siege. Sey ng gobernadora, some of the donations ay mula raw mismo sa kanyang bulsa at sa kanyang family. O ha.
“Yung mga nasa Ilocos, mga Ilocanong Maranao, mga pinsang buo rin ng mga grupo sa Marawi na na-evacuate kung saan-saan. Sila’y nagkakasakit, nahihirapan, yung iba namatay na nga, kaya’t tuloy-tuloy tayo,” explain pa niya.
Help kung help din ang eksena niya sa mga sundalong Ilocano, kasama sa higit 600
kawal na nasugatan sa Marawi City, na kasalukuyang ginagamot sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center.
At kahit daw hindi mula sa Ilocos Norte ay kailangan ng tulong kaya sey pa ni Imee, “Tulong-tulong tayo diyan dahil alam nating natatagalan din ang gobyerno na magbigay ng tulong.”
Gamot, prosthetics, bandages, at iba pang medical supplies at equipment ang target pa rin ng PGIN.
***
‘Youth-for-youth’ para sa mga mag-aaral sa Marawi
BUKAS-palad din ang mga kabataan ng Ilocos Norte sa mga estudyante ng Marawi na nahinto sa pag-aaral dahil sa kaguluhan doon.
Sa Agosto 12, ang International Youth Day, magsasagawa ang Sirib Ilokano Kabataan Association (SIKA) ng fun run, na tinaguriang “TEENaray: Bardaka Run 2017,” at lahat ng malilikom na pondo ay ibinigay sa mga na-displace na pupil at mga estudyante ng Marawi.
“The 2017 IYD’s theme is ‘Youth Building Peace is very timely with the challenges our brothers and sisters from Marawi City are facing. Many of the children and youth cannot go to school, and those who can don’t have bags, pens or paper to use,” ani SIKA president James Ceasar Ventura.
Paliwanag niya, nais ng SIKA na gawing mas makabuluhan ngayong taon ang selebrasyon ng International Youth Day.
Magsisimula ang fun run alas- 4 ng hapon sa Marcos Memorial Stadium sa Ablan Avenue, Laoag City.
Matapos ito ay magkakaroon ng candlelighting ceremony ang mga lumahok at libreng concert ng lokal na banda para sa lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.