Magic ng herbs & spices | Bandera

Magic ng herbs & spices

- , August 07, 2017 - 08:00 AM

HINDI type kumain ng gulay? Samahan ito ng herbs and spices para ma-ging malinamnam ang lasa.

Nabatid sa isang bagong pananaliksik na ang mga tao ay mas gugustuhing kumain ng gulay na nilahukan ng herbs at mga spices o pampalasa.

Isinagawa ng University of Illinois sa Estados Unidos, ang nasabing pag-aaral at tiningnan ang epekto ng paggamit ng pampalasa sa pagkain ng gulay sa mahigit 530 katao na lalaki at babae na ginanap sa isang mala-cafe na lugar sa loob ng tatlong linggo.

Ang mga kalahok na bumili ng ‘hot entree’ sa cafe ay binigyan ng libreng gulay at pinamili kung nais nila nang may pampalasa o wala. Para makaiwas sa posibleng pagkiling, ang mga gulay na walang pampalasa ay nakalista sa menu board bilang “steamed” imbes na “unseasoned.”

Ang gulay na inaalok kada araw ay kinabibilangan ng broccoli, carrots o green beans, na mga napili dahil ito ang mga kadalasang kinakaing gulay ng mga may edad na tao sa Estados Unidos.

Ang mga kalahok, na tinanggap ang libreng gulay o hindi, ay pinakiusapan naman na sagutin ang isang survey tungkol sa kanilang ugali sa pagkain, mga gustong gulay at kung paano sila makukumbinsing bumili ng vegetable side dish na may presyong $1.

Nabatid ng grupo na karamihan ng mga kalahok ay napaulat na gusto ang carrots, green beans o broccoli nilagyan man ito ng pampalasa o hindi.

Ang karamihan sa mga kalahok (84 porsiyento) ay nagsabi na posibleng bumili sila ng broccoli kahit na ang presyo nito ay $1. Ang 74 porsiyento ay napaulat naman na bibili ng green beans at 64 porsiyento ay bibili ng carrots.

Nalaman din ng grupo na ang mga kalahok na bihirang kumain ng gulay tuwing pananghalian ay malamang na piliin ang gulay na may pampalasa kaysa sa wala lalo na kung sila ay mga kalalakihan na may edad 50 anyos pababa.

Subalit kabaligtaran naman ito sa mga palaging kumakain ng gulay tuwing pananghalian kung saan mas nais nito ang walang pampalasa.

Bagamat marami ng mga public awareness campaign na sinubukang himukin ang mga Amerikanong dagdagan ang kanilang pagkain ng gulay, nalaman ng pananaliksik na marami pa rin ang hindi umaabot sa recommended daily amounts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi naman ni lead author Joanna Manero na ang halamang gamot at pampalasa na inirekado sa mga gulay ay nakakaudyok sa karamihan ng mga kalalakihan at kabataan na kadalasang kumakain ng mas kokonti na pagkaing gulay kaysa sa mga kababaihan at mas matatandang katao.

Ang mga pag-aaral ay matatagpuan online sa journal na Appetite.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending