Ex-Naga, Cebu mayor Chiong kakasuhan ng graft | Bandera

Ex-Naga, Cebu mayor Chiong kakasuhan ng graft

Leifbilly Begas - August 04, 2017 - 02:00 PM

SASAMPAHAN ng  kaso ng Office of the Ombudsman ang isang dating mayor sa Cebu kaugnay ng pagbibigay nito ng mayor’s permit sa isang kumpanya na walang Fire Safety Inspection Certificate. May nakitang probable cause si Ombudsman Conchita Carpio Morales upang kasuhan si dating Naga City Mayor Valdemar Chiong sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Si Chiong ay napatunayan ding nagkasala sa kasong Grave Misconduct at Gross Neglect of Duty at ang parusa ay pagbabawal na muli siyang pumasok sa gobyerno. Kung nasa puwesto ay pagkasibak sa tungkulin ang parusa sa kanya pero dahil wala na siya ay pagmumultahin na lamang ng kasing halaga ng kanyang isang taong suweldo. Ang kaso ay nag-ugat sa pagbibigay ni Chiong ng permit sa Petronas Energy Philippines noong 2014 kahit na wala itong FSIC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending