DEAR Atty:
Alfie Trobela, 31 years old po from Navotas. Tanong ko lang po, dati po ako sa condo nagwo-work at guard po ako dun. Nagpalipat po ako dahil doon ko nakilala ang GF ko, isang rent to own po siya.
Ngayon po ba na nagpalipat na ako ay pwede na akong dumalaw doon? Binabawalan po ako ng agency na magpunta don, eh nalipat naman na po ako at gusto ng GF ko na dumalaw ako don pero ayaw ng agency at admin na may hawak doon. Ano po ang pwede kong gawin legal naman po ang relasyon namin, attorney. Wait ko po ang reply nyo. Sincerely, Alfie, …3364
Dear Alfie:
Wala kang ginagawang masama para pagbawalan kang bumisita sa iyong kasintahan, lalo pa’t legal naman ang inyong relasyon. Hindi bawal ang inyong pag-iibigan. At hindi bawal sa isang gwardiya ang umibig.
Mali ang ahensiya ninyo sa sinasabing pagbabawal sa inyong magtungo sa condo na dati mong ginagwardiyahan, lalo na ngayon na hindi na kayo doon sa condo ng inyong GF nagtatrabaho.
Legal ang pagdalaw sa inyong GF sa condo na dati ninyong pinapasukan bilang security guard. — Atty.
Dear Atty:
Ako po si Jane ng Zamboanga City, may anak na po ako. Problema ko ang tatay ng anak ko dahil hanggang ngayon dini-deny niya pa rin na siya ang ama ng anak ko pero nagbibigay naman po siya ng sustento.
Kinatatakutan ko lang po baka mahinto ang pagbibigay niya, anong dapat kong gawin? Gusto ko pong ipa-DNA test ang baby ko sa kanya para maniwala na talagang siya ang ama ng anak ko. Tama po bang siya ang magpa-DNA test sa baby ko dahil siya naman ang nagdududa. Ano pong kaso dapat isampa sa kanya pag di siya nagbigay ng sustento sa baby namin at sa mga taong nagsusulsol sa kanya na hindi raw niya anak ang baby ko? Ano po ang first step kong gawin para matuloy ang sustento niya sa baby? Natatakot po ako ngayon dahil may nabuntis na naman po siyang ibang babae. Sana po mabigyan ninyo ako ng payo. Thank you. — Jane, …9928
Dear Jane:
Kung tutuusin, walang masama sa plano ninyong ipa-DNA test ang inyong anak at ang kanyang tatay para na rin sa ikatatahimik niya at ng mga nangsusulsol sa kanya na di niya anak ang inyong baby, at para na rin sa ikapapayapa ng iyong damdamin.
Ang DNA test ay isang paraan upang malaman kung sino ang ama ng bata. Hindi ito ipinagbabawal ng batas. Ngunit may kaunting kamahalan ang DNA test.
Ang aking pagkakaalam, nagkakahalaga ang DNA test ng P80,000. Kailangan po isumite ang sample ng dugo ng inyong anak at ang dugo ng ama sa hospital na merong pasilidad para magsagawa ng DNA testing.
Sa tanong para mapanatili ang sustento para sa inyong anak. Magsampa po ng petition for support and support pendente lite sa Regional Trial Court ng Zamboanga City. Isumite lang po sa judge ang birth certificate ng inyong anak.
(Editor: May komento o reaksyon ba kayo sa artikulong ito? O may tanong ba kayo na nangangailangan ng tugon na may kinalaman sa batas? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09178052374.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.