Kim binigla ang pagtakbo ng 16K sa Canada; binti at tuhod napuruhan
SOBRANG na-miss ng mga kababayan nating naka-base na sa Canada ang local artists natin kaya naman sa ASAP Live In Toronto na ginanap sa Ricoh Coliseum (na may 7,779 capacity) ay soldout agad ang tickets .
At dahil mahaba pa ang pila ng mga gustong makapanood sa show ay naglabas din ng SRO (standing room only) tickets ang ABS-CBN management at balitang naubos din agad.
Hindi lang mga taga-Canada ang nanood kundi ang mga karatig bayan nito bukod pa sa mga taga-Amerika na nag-long drive rin para mapanood ang ASAP Live In Toronto dahil first time mangyari ito na lahat ng mga sikat na artista sa showbiz ay makikita nila nang live.
Kaya abut-abot ang pasalamat ng ASAP artists sa lahat ng nanood sa kanila. Hindi naman puro work lang ang ginawa ng Kapamilya stars kasama na ang staff dahil mega-pasyal din sila sa magagandang tanawin sa Toronto at napuntahan din nila ang famous tourist destination na Niagara Falls na nasa border ng Ontario, Canada at New York City, USA.
Parang klima sa Pilipinas ang Ontario, Canada, umuulan at umaaraw kaya sinamantala naman ni Kim Chiu ang tumakbo sa napakagandang High Park na bahagi na rin ng training niya para sa sinasalihang marathon sa Pilipinas pati na rin sa mga eksena niya sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin ng ABS-CBN.
Nag-post nga ang aktres sa social media ng litrato habang tumatakbo siya sa High Park na may 398 acres na pawang green pa ang makikita sa paligid kaya ang sarap-sarap sa paningin at kitang-kita na enjoy na enjoy talaga ang dalaga.
Mensahe ng aktres sa kanyang IG post, “Good morning!!! 16km run done, tried a crazy route yesterday morning! Up ‘hells to the crazy nth level getting ready for a big 21k run!”
At dahil sa sobrang excitement ay napabilis ang takbo ng dalaga kaya ang ending, pinulikat siya na ibinahagi rin niya sa kanyang followers.
“You don’t have to go fast; you just have to go. yesterday during my 16k run had a cramps on my left leg and a little click in my knees but was happy am able to finish my goal but I hope this is nothing serious,” sabi ni Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.