Anong gusto mo P172M o P120M? Hindi pwede ang P11.5M may nanalo na | Bandera

Anong gusto mo P172M o P120M? Hindi pwede ang P11.5M may nanalo na

Leifbilly Begas - August 02, 2017 - 03:46 PM

Hindi tinamaan ang P172.2 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at wala ring tumama sa P120.8 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na magkasunurang binola Martes ng gabi.
May nanalo naman sa P11.5 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa winning number combination na 53-14-23-02-58-20 sa Ultra Lotto draw.
Apat na mananaya naman ang nanalo ng P248,520 matapos makuha ang limang numero. Tig-1,810 naman ang tinamaan ng 438 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 10,736 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
Wala ring nakakuha sa Super Lotto winning number combination na 05-03-32-24-26-36.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 17 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P980 naman ang napanalunan ng 970 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 19,520 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola naman tuwing Martes, Huwebes at Biyernes.
Sa San Jose, Navotas naman tumaya ang nanalo ng P11.5 milyong jackpot prize ng 6/42. Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO.
Ang nanalo ay tumaya ng System 7 o pitong numero ang kanyang tinayaan.
Siya ay nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 42-35-07-29-09-10.
Nanalo naman ng tig-P14,760 ang 39 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P390 ang 1,178 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balk ang P20 taya ng 19,389 na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending