Hanggang kailan tatagal ang bisa ng 'sumpa' sa showbiz career ni Kris Aquino? | Bandera

Hanggang kailan tatagal ang bisa ng ‘sumpa’ sa showbiz career ni Kris Aquino?

Cristy Fermin - August 01, 2017 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

SANA nga ay magkaroon na ng katuparan ang kumakalat na balita na malapit nang magbalik-telebisyon si Kris Aquino. Oo nga at meron pa rin naman siyang paraan para mapanood ng kanyang mga tagasuporta sa pag-unlad ng teknolohiya ay iba pa rin ‘yung sa telebisyon siya natutunghayan.

Ang dami-daming nanghihinayang sa talent ni Kris sa hosting, nawalan daw ‘yun ng saysay mula nang pagsaraduhan siya ng pintuan ng ABS-CBN, bakit daw kaya napakatagal magkatotoo sa sitwasyon ni Kris ang kasabihan na kapag may nagsasaradong pintuan ay meron namang mga nagbubukas na bintana ng oportunidad?

Hanggang sa mga kuwento-kuwento lang ang lahat, dahil kapag may nagtatanong naman sa mga ehekutibo ng istasyong pagtatrabahuhan ni Kris ay walang kumukumpirma, parang wala silang alam tungkol sa balita.

Ewan kung ano ang naganap sa karera ni Kris, napakatalino niya, sikat at pagdating sa hosting ay maaasahan siya anumang oras dahil nag-aaral siya ng kanyang mga gagawin.

Sana nga ay lumipas na ang sinasabi ng iba na kamalasang kumapit sa buhay at career ni Kris Aquino, mapalitan na sana ‘yun ng suwerte, dahil marami pa ring umaasang isang araw ay papalaot uli siya sa telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending