Madaling mapagod pero di naman makatulog
GOOD day Dr. Dineros. Ang problema ko po ay pag masama po ang loob ko, sumasakit po ang dibdib at ulo ko. Gusto ko pong libangin ang sarili ko sa ibang bagay. Gusto ko pong umiyak at umalis ng bahay para mawala ang nararamdaman ko. Stress po ba ito at hindi po ba delikado ang aking kalusuga?
Dear Flore,
Salamat sa iyong text question. Natural ang mga nararamdaman mo dahil sa masama ang loob mo. Yes, stressful sa katawan at masama sa kalusugan ang magtanim ng sama ng loob. Walang makakasakit ng kalooban natin kundi sarili rin natin.
Nang dahil sa ang tao ay may naturalesang maging makasarili (self-centered), mararamdaman niya parati ang kirot kapag ang mga kagustuhan niya ay hindi nasusunod.
Ang pagpapatawad (forgiveness) ay siyang sagot sa sitwasyon na ito. Ang umiyak at umalis ng bahay ay maaring magbigay lang ng mababaw na kasagutan ngunit mananatili pa rin ang iyong problema.
Hindi kaya ng tao mag-manufacture ng pagpapatawad, kailangan kunin ito sa Diyos at pag nakahingi na ang tao ng kapatawaran, saka lang siya makakapagbigay nito. Kailangan din patawarin natin ang ating sarili at magbigay ng tawad sa mga nagkulang sa atin.
Good am Doc. Maribet Sto. Domingo po, 61 years old at taga-Legazpi City. Marami pong lumalabas na hematoma sa katawan ko at nawawala rin after one week. Ano po ang cause nito at paano po maalis agad o ano pong lunas? Thanks.
Dear Maribet,
Magpa-eksamen ka ng dugo, (CBC, platelet count, protime). At pagkatapos ay magpakonsulta sa doctor upang malaman kung ano ang iyong karamdaman at kung paano ito lulunasan – Dr. Heal
Doc, good pm po. Madali lang po akong mapagod at hindi ako gaano makatulog sa gabi. – Daniel Estevez, 50, Cebu City, …8633
Good pm, Daniel. Maraming posibleng sanhi ng sintomas mo. Kapag ang katawan ay pagod, mas madali makatulog ngunit kung masyadong malikot ang kaisipan natin, ginigising tayo. May bisyo ka ba?
Gusto ko uminom ng gamot para mawala ang aking mayoma doc. — …0705
Walang gamot na pampatunaw ng mayoma.
Doc may tanong ako sa iyo. Anong gamot sa baga? Medyo mahina ang paghinga ko pero malakas pa rin katawan ko. Anong maipapayo ninyo sa akin? Puwede malaman anong klaseng gamot? — …1878
Magpa-chest X-ray ka at ipa-view mo for screening lang.
vvv
Editor: Si Dr. Heal ay napapakinggan din sa Radyo Inquirer 990AM gai-gabi mula alas 8 hanggang 9:30.
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.