‘Wala pa ring pwedeng umagaw sa korona, trono nina Vilma at Nora!’
THE phrase “two in a row” is inappropriate to use para sa magkasunod na pagkapanalo recently ni Cong. Vilma Santos-Recto sa The Eddy’s at sa Urian held more than a week apart.
Best Actress ang napanalunan ni Ate Vi sa award-giving body composed of entertainment editors, samantalang Lifetime Achievement naman sa hanay ng mga film reviewers.
Kuwento ito ng aming source, a long-time member of the Manunuri.
Originally ay sa Seda Hotel (near Trinoma in Quezon City) sana ang venue ng awards night.
Pero dahil sa mga ulat ng panggugulo ng ilang elemento sa mga pampublikong lugar, last minute ay nagdesisyon mismo ang Cinema One—which aired the live coverage of the event—na sa Studio 10 na lang ng ABS-CBN idaos ang parangal.
Mako-contain nga naman ang seguridad sa kanilang mismong bakuran.
Contrary to earlier reports na baka “iboykot” ni Ate Vi ang Urian—for getting dislodged sa talaan ng mga Best Actress nominees—the Star for All Seasons was around, in flesh and blood.
However, there could have been a gory sight of torn flesh and blood spill all over the stage kung—thank God!—nag-collapse ito with a multitude of people standing on it.
“Naku, akala ko talaga, eh, babagsak ‘yung entablado! Imagine, nag-akyatan ang mga fans (media included) at kinuyog nila si Ate Vi! But one thing I realized, iba talaga kapag may Vilma Santos at Nora Aunor (na nominado naman sa Best Actress category) sa mga awards night,” ayon sa aming source, who requested anonymity.
In fairness din daw kay Ate Vi, pinalakpakan at hinangaan ang kanyang acceptance speech if only for her mention of Nora Aunor. Napakasuwerte raw kasi nilang dalawa for having worked with the country’s finest film directors, noon at magpahanggang ngayon.
And how fortunate both Ate Vi and Ate Guy are indeed. Teka, anong dekada pa ba nagsimula ang kanilang tapatan at girian sa mga awards night? At anong taon na tayo ngayon? Nakailang henerasyon na ba ng mga malalaking bituin? Mabilis man ang turnover at transition, pero ni minsan ay hindi nawala sina Ate Guy at Ate Vi, their movies never fail to reap recognition.
Samantala, showbiz turncoatism yata talaga is likewise here to stay. May isa kasing kasama sa panulat who doesn’t see the good in Ate Vi na dati naman nitong pinupuri-puri to spite Ate Guy.
Kesyo masyonda na raw si Ate Vi, her looks so reveal. With nothing else to harp against his once milking cow kaya namemersonal na lang.
Ano na nga bang biological age ngayon ni Ate Vi? Compared to women her age, himala (pardon the use of Ate Guy’s classic film title) ngang mas bata siyang tingnan, ‘no!
At kung tumanda nga ang hitsura ni Ate Vi—which is but inevitably natural or naturally inevitable—you call that graceful aging!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.