Angel, Neil umiwas sa press, dumaan sa fire exit ng sinehan | Bandera

Angel, Neil umiwas sa press, dumaan sa fire exit ng sinehan

|July 23,2017
facebook
share this

Angel, Neil umiwas sa press, dumaan sa fire exit ng sinehan

- July 23, 2017 - 12:01 AM

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

STAR-STUDDED ang ginanap na premiere night ng pelikulang “Kita Kita” nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa Cinema 7 ng Trinoma Mall last Tuesday. At the same time, marami ring bumulaga sa pagdating ng bagong love pairs sa showbiz.

Unahin na natin ang bidang si Alessandra na super tikom ang bibig na magkuwento about her lovelife pero pagkatapos ipalabas ang movie nila ni Empoy ay kasabay umalis ang singer-actor na si Marc Abaya.

Panay naman ang pa-charming sa isa’t isa nina Mariz Racal at Iñigo Pascual all through the night. Kahit nu’ng iniinterbyu na si Mariz for TV, biglang lumapit si Iñigo sa kanya na abot hanggang tenga ang ngiti at naki-join na sa panayam.

Sabay ding dumating ang rumored couple na sina Angel Locsin at ang producer na si Neil Arce with Carla Humphries.

Tumangging magpa-interbyu si Angel sa premiere night paglakad nila sa red carpet. At pagkatapos ng screening, dumaan na sa fire exit sina Angel at Neil.

Umabot din si Vice Ganda before magsimula ang palabas sa loob ng sinehan. And of course, nandoon din halos lahat ng talents ng Cornerstone head na si Erickson Raymundo na isa sa partners nina Piolo Pascual at Bb. Joyce Bernal sa Spring Films na prodyuser ng “Kita Kita.”

Nagulat naman kami pagpunta namin ng comfort room dahil nakita namin sa loob ng men’s room si Direk Joyce kasama si Piolo at iba pang male celebrities. Nagtatawanan sila na tila naghaharutan.

Paglabas ng men’s room tinanong namin si Direk Joyce kung anong ginagawa niya doon. Say niya, tomboy daw kasi siya kaya doon siya nag-CR. Siyempre, nagbibiro lang si Direk when she said that. Habang si Papa P naman ay bumeso sa amin at tawa nang tawa.

In fairness, ang ganda ng script and execution sa big screen ng love story nina Lea (Alex) at Tonyo (Empoy).

Now we understand kung bakit todo-todo ang suporta at pagpo-promote nina Piolo at Direk Joyce sa movie. Nakaka-proud naman talaga ang movie. Para sa amin, ang kwento nina Lea at Tonyo sa “Kita Kita” is one of the best love stories ever told sa big screen. Napakahusay ng pagkakasulat at pagka-translate ng script sa big screen na pinatingkad pang lalo ng magagandang lugar sa Sapporo, Japan.

Halos lahat nang nakapanood are all in one in saying na bagay na bagay kay Empoy ang role and he made everyone fell in love sa character niya sa “Kita Kita.” Last but not the least, muling pinatunayan ni Alex na napakahusay niya talagang artista.

After Nora Aunor, kay Alex lang namin nakita kung paano mangusap ang kanyang mga mata sa screen. Mata pa lang kitang-kita at ramdam mo na ang emosyon niya kahit walang dialogue.

Balitang humahataw na sa box-office ang “Kita Kita” na deserved na deserved naman ng buong cast, producers, staff and crew ng movie.

q q q

Nagkorner naman namin si Marc Abaya after ng screening ng “Kita Kita.” Naiyak daw siya sa movie lalo na nu’ng ipinasok na ang theme song na kinanta ni KZ Tandingan.

“Ang ganda talaga ng tambalan, ng chemistry nila, kakaiba sila ni Empoy. Na-in love ako kay Empoy. Nakakakilig si Empoy. Empoy, crush na crush kita. I love you!” nakangiting sabi ni Marc.

Tinanong namin siya kung open na sa publiko ang relasyon nila ni Alex, “Ah, we’re good friends.

Nagsimula nu’ng inimbita niya ako na maging part ng kanta niya, ‘yung ‘Swept Away.’ So, gumawa kami ng kanta. Siya ang nagsulat. Pinakanta lang niya ako.”

Nagulat kami sa sinabi ni Marc dahil wiz namin knowing na singer pala si Alex, “Opo, ibang style, e,” sabi niya. “Tapos nag-record po kami. Gumawa ng music video. And then, after noon, tambay na kami, very close. Pero kilala ko siya dati pa. Pero siya, hindi na niya naalaala.”

Nagkasama raw sila ni Alex sa isang soap sa ABS-CBN kasama si Cristine Reyes nu’ng 2008.

Pina-describe rin namin kay Marc in one word ang relasyon nila ni Alex, “It’s, uhm, I Like. Ha-hahaha! It’s wonderful. It’s lovely. Ang daming words, ‘no? Ibig sabihin, I’ve learned so much about life with her, new things. Dahil nga napaka-passionate niyang tao, about her craft, as an actor, about her music. So, nakaka-inspire po siya. Nakakahawa po siya. Ang sarap na kasama siya.”

Sa ngayon daw ay hindi niya alam kung saan papunta ang relasyon nila ni Alex, “Hindi ko po alam kasi sa ngayon busy siya. Ako naman kakatapos ko lang mag-soap (opera) kaya nagre-relax lang. Again, we already knew each other. I’m 37 years old. She’s turning 32, it’s her birthday tomorrow.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Saktong birthday ni Alex ang showing ng “Kita Kita” which is last Wednesday, July 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending