‘La Luna Sangre’ may bonggang sorpresa sa KathNiel fans
NAG-LEVEL up na ang La Luna Sangre at it has become interactive where fans can participate.
“It’s actually a fan service project sa mga fans and audiences namin kasi Star Creatives knows na ‘yung high ratings na tinatamasa ngayon ng La Luna Sangre, we owe that to the fans, to our audiences na sumusuporta simula pa noong Lobo.
“We want to honor our Moonstone fandom by doing this, ‘yung pagsama sa amin on our journey sa pgkuwento ng La Luna Sangre,” explained Ays de Guzman, creative director of Star Creatives.
“Itong Moonstone World is an immersive entertainment. ‘Yung mga fans puwede na silang sumama sa kuwento ng La Luna Sangre na parang nandoon na sila.
“Kung mapapansin ninyo naman sa teleserye, sila Tristan sila ‘yung mga agents, sila ang bumababa, mga operatives sila on ground. Tatlong klase kasi ang moonchasers, there are field agents, sila Tristan ‘yun, there are online support, that’s all of us tapos meron deep cover operatives, sila ‘yung magiging involve sa task,” paliwanag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.