'Inosente pa rin si Noven sa kasong rape hangga't hindi napatutunayan sa korte!' | Bandera

‘Inosente pa rin si Noven sa kasong rape hangga’t hindi napatutunayan sa korte!’

Cristy Fermin |July 19,2017
facebook
share this

‘Inosente pa rin si Noven sa kasong rape hangga’t hindi napatutunayan sa korte!’

Cristy Fermin - July 19, 2017 - 12:10 AM

NAKALULUNGKOT naman ang nangyari sa kampeon ng Tawag Ng Tanghalan na si Noven Belleza. Naging guest siya ni Vice Ganda sa show nito sa Cebu City, naging maayos ang show, pero pagkatapos ng kasiyahan ay dinampot naman ng mga pulis si Noven.

Maraming bersiyon ng kuwento ang lumulutang ngayon. Walang warrant of arrest ang pagdakip sa singer dahil direkta siyang itinuro ng nagrereklamo, singer din daw ang babae, nu’ng Sabado nang madaling-araw diumano naganap ang ibinibintang na rape kay Noven.

Hinintay lang daw ng mga otoridad na matapos ang concert ni Vice, pero kinatanghalian pa lang ay nagreklamo na ang sinasabing biktima, kaya sa backstage dinampot si Noven.

Nakapanghihinayang naman ang popularidad na ngayon pa lang ine-enjoy ng Tawag Ng Tanghalan champion. Hindi pa man nag-iinit sa kanyang mga kamay ang tagumpay ay nagkaroon na agad ng ganitong problema ang singer.

Abangan na lang natin kung paano idedepensa ni Noven Belleza ang kanyang sarili sa reklamong kinakaharap niya ngayon. Tingnan natin kung may mga ebidensiya bang maglalagay sa kanya sa alanganin.

Hanggang hindi napatutunayang nagkasala ang kahit sino sa kabila ng reklamo ay ituturing pa rin siyang inosente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending