Lady reporter nabiktima ng manlolokong singer | Bandera

Lady reporter nabiktima ng manlolokong singer

Jobert Sucaldito - July 18, 2017 - 12:15 AM

AYOKO nang magpatumpik-tumpik. Tama na ang kampi-kampihan. Let’s talk about the truth and how we perceive things as we see them. Kahit sa pansariling honesty na lang. Tama na ang PR-PR work. Ha! Ha! Ha!

Last Sunday, aksidente kong napanood ang ASAP, guests ang rock icons ng ’90s na sina Paco Arespacochaga, Wency Cornejo at iba pa. Na-miss namin ang music nila especially Wency’s songs.

Then sa isang segment (yung portion led by Jolina Magdangal), I saw Sam Milby singing a song with Richard Poon. Napaka-weak ng performance nila sa number na iyon.

Si Sam pabulong lang while Richard looked old. Nawala na ang glow sa mga mukha nila – nawala na ang mga estrelyang dating kumikinang sa kanilang mga pangalan. Maybe finished na talaga ang era nila. Too soon, di ba?

“Hindi na nga sila tinitilian pag nagsu-show sila. Bihira na rin silang mag-show. Puro sa ABS-CBN events na lang sila napapanood. Di na sila mainit sa ibang concert producers. Kasi sobrang mahal nilang maningil at hindi naman nag-improve ang kanilang mga performance.

“Si Sam waley na talaga. Kita n’yo naman hanggang ngayon ay bulol pa ring mag-Tagalog. Si Richard Poon naman ay bagay lang sa mga lounge and hotel lobbies. Wala na talaga. I agree with you,” sabi ng aming non-showbiz friend.

I just looked back during the times na pinaglalaban ko pa sila – kasi nga masarap pa silang panoorin that time. Fresh pa ang dating. Ngayon ay tumanda na rin sila na wala namang nabago. They deteriorated as artists kaya hanggang diyan na lang talaga siguro ang career nila.

Kungsabagay, hindi naman na bago sa kahit sinong artist ang malaos. Opinyon namin ito, ha. Gawa kayo ng sarili ninyong opinyon, okey? Ha! Ha! Ha!

q q q

Hanga naman ako kina Jay-R and KZ Tandingan dahil in last Sunday’s ASAP makikita n’yo ang husay nila. No doubt na undisputed R&B Prince pa rin si Jay-R. Kasi nga, natural ang pagiging mahusay na singer ni Jay-R, hindi HYPE.

KZ is KZ. Kahit anong gawin nila, lumalabas talaga ang ganda ng boses niya. Kaya isa ako sa mga fan niya – noon at ngayon. Hindi siya nakapanghihinayang sugalan ng kahit sinong concert producer dahil maliban sa magaling na singer/performer, mabait na bata. Kaya love namin si KZ.

q q q

Sayang talaga ang talent ng stand-up comedian na si Super Tekla. Ang problema lang daw dito ay ang attitude niya lately – sobrang prima donna raw. Kaya hayun, natsugi sa show ni Pareng Willie Revillame (Pareng Willie raw, ow! Ha! Ha! Ha!).

Iyon sana ang biggest break niya sa TV at di sana malayong marating din niya ang level ni Vice Ganda kung nagtuluy-tuloy ang kanyang career. Kaya lang, hayun at nalasing yata sa isang basong tubig kaya maagang natsugi sa show.

Pero di pa naman huli ang lahat, but he has to reflect first on many things. Bumawi siya and never do the same mistakes again. Kaya pa namang i-resurrect ang kaniyang career eh. Magaling naman kasi talaga siya at posible pa rin naman sigurong makabalik siya sa show ni Pareng Willie.

Iyan ang problema sa maraming artists natin – nakatikim lang ng konting palakpak ay nagsisipaglakihan na ang mga ulo. Ayaw nang patapik. Gusto sila na ang nasusunod. Hindi na nakikinig sa mga payo, marami ng demands.

Ayaw ng may kasamang iba sa dressing room – ayaw maghintay sa portion nila – palaging nagmamadali. Umiiwas nang magpa-picture sa mga fans nila.

Nakakaloka ang mga artists na ito, mabait lang pag bago pero pag tumagal-tagal na, lumalabas na ang tunay na kulay. Kaya dapat sa kanila bigyan talaga ng leksiyon. Marami sa kanila mga pakitang-tao lang.

May kakilala nga kami, umoo na sa pagkanta sa isang kasal nu’ng maglambing ang isang lady reporter sa kanya pero nang malapit na ay di na sinasagot ang phone. Ayaw nang magparamdam. Kasi nga walang bayad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nu’ng magkasalubong ang landas nila ng said lady scribe sa hallway ng isang network, biglang umiwas ang hinayupak na singer, pumasok bigla sa dressing room.

Pero ang image niya ay bait-baitan, ha, na akala mo’y di makapabasag-pinggan. Clue? Puring-puri siya ni Tito Ronnie Carrasco III sa kabaitan. Ha! Ha! Ha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending