Palasyo todo tanggol sa pagbabalik sa serbisyo ni Supt. Marcos
Wensy Valenzuela - Bandera Intern July 13, 2017 - 04:48 PM
IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang desisyon na pabalikin sa puwesto si Police Supt. Marvin Marcos na nauna nang kinasuhan dahil sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
“The President respects and abides by the rule of law. Police Superintendent Marvin Marcos has served his suspension and is eligible to be back to duty,” sabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Bukod kay Marcos, kinasuhan din ang 18 iba pang pulis kaugnay ng pagpatay kay Espinosa at isa pang preso.
“We leave the matter to the Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) to explain its decision,” ayon pa kay Abella.
Madami naman ang nababahalang senador at kongresista sa naging desisyon ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending