Goma, Lucy matindi ang hinaharap na problema sa Ormoc | Bandera

Goma, Lucy matindi ang hinaharap na problema sa Ormoc

Cristy Fermin - July 14, 2017 - 12:40 AM

LUCY TORRES AT RICHARD GOMEZ

GRABE ang kinakaharap na paghamon ngayon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez. Matindi ang inabot ng kanyang mga nasasakupan sa nakaraang lindol sa kanilang lugar.

At sobrang lakas pa ng mga aftershock na nararamdaman ng mga taga-Ormoc, kaya nangagiba ang maraming bahay, meron pang mga pinalilikas na sa dati nilang tirahan dahil malapit na malapit sila sa fault line.

Wala ha halos tulog at pahinga ngayon ang aktor-pulitiko, pareho sila ni Congresswoman Lucy na abalang-abala sa pagsagot-pagdalo sa mga pangangailangan ng kanilang mga kababayan, kailangan nilang ibangon ang Ormoc sa lalong madaling panahon.

Pagpansin ni prop, “Ngayon nila napatutunayan na malaki ang nagagawa ng mga artistang pulitiko sa mga constituents nila. Hindi sila basta mga artista lang na nakisawsaw sa politics.

“Look at Goma, kitang-kita ang sincerity niya sa pagtulong.

Buti nga at guwapo talaga siya, kaya kahit wala na halos siyang pahinga, e, guwapo pa rin siya,” komento ng kaibigan naming nakatutok sa mga nagaganap sa Ormoc.

Sana nga ay agarang makabawi at makabangon sa sobrang pagkalugmok ang mga kababayan natin sa Leyte, partikular na sa Ormoc, na mukhang naging paboritong yugyugin ng lindol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending