Noy, di tayo naghihirap | Bandera

Noy, di tayo naghihirap

- November 18, 2009 - 02:20 PM

OO nga naman, Noynoy, di ka nag-iisa. Di ka rin naghihirap. At mas lalong di tayo naghihirap. Huwag mo na kasing sabihin na marami ang naghihirap at isinisisi sa babaeng ibig ng iyong ina (na isa sa naglagay sa puwesto sa babae) na magbitiw sa puwesto. Noy, magbasa ka naman ng Philippine Daily Inquirer. Heto ang ilang magagandang balita (marami pang magagandang balita ang Inquirer at kulang ang espasyon natin para banggitin ang mga ito) na inilathala ng pinakamatapang na pahayagan sa buwan lamang ng Nobyembre: 1. Dollar borrowing costs drop 2. UCPB Jan-Sept profit hits P1.1B 3. Philex infusing P1.2B in oil exploration 4. Jollibee posts 12.8% growth in 9-mo profit 5. Auto Sales up 1.3% in first 10 months 6. Manila Water posts 14% net income growth 7. SM Prime Holdings 9-mo profit up by 8% 8. Stock market hits 19-mo high 9. Bank deposits hit P3.2T 10. Swine second leading contributor to aggie. Noy, di tayo naghihirap. Bilyones na ganansiya ang laman ng mga balitang yan, Nobyembre pa lang, at kahit na ibig mo pang maging presidente. Kung ang pakay mo ay ang mga naninirahan sa ilalim ng tulay, atbp., nariyan na sila, simula pa nang manungkulan ang nanay mo. Nariyan na rin sila nang tumakbo ka bilang kongresista. At mas lalo pa silang dumami nang tumakbo ka pagka-senador.Pero, di ba’t may mga cell phone sila? Di ba’t di sila nawawalan ng load, kahit P10 man lang araw-araw? Di ba’t nakabibili pa sila ng sigarilyo? Empy at Matador? Red Horse, kahit paminsan-minsan (dahil mas mura ang Colt)? Sa programa sa telebisyon ng dati mong syota, na ngayon ay pinakasalan at asawa na ng iyong bise-presidente, pitak at tampok ang buhay ng isang ina na may 21 anak at kaminera lamang ni Mayor Alfredo Lim (at naninirahan ng masaya sa isang silid, kapiling ang lahat na lahi, pati na mga apo). Buhay silang lahat at walang namamatay sa hirap. Noy, di tayo naghihirap. Kung may mahihirap man, maaaring di sila nagsikap o pinabayaan sila ng gobyerno ng iyong ina; at dumami pa sila nang ikaw’y maging senador na. Pangulong Noynoy, ano’ng gagawin mo sa kanila?

BANDERA Editorial, 111809

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending