Coco superhero ng mga veteran star na matagal nang walang trabaho | Bandera

Coco superhero ng mga veteran star na matagal nang walang trabaho

Ambet Nabus |July 14,2017
facebook
share this

Coco superhero ng mga veteran star na matagal nang walang trabaho

Ambet Nabus - July 14, 2017 - 12:05 AM

COCO MARTIN

MARAMING mga artista noon ang lubos ngayong humahanga kay Coco Martin dahil nagawa raw ng aktor na maibalik ang action genre sa mundo ng telebisyon at sa Philippine Cinema.

Bukod sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, ginagawa na rin ngayon ni Coco ang remake ng “Ang Panday” na isa sa mga napiling official entry sa 2017 MMFF.

“With the success of Ang Probinsyano, Coco makes it easy now for the audience to patronize action-related movies. That’s why we are so excited sa Ang Panday project niya,” sey ng isang veteran actor-director.

Nang dahil din kay Coco ay lubos ang pasasalamat ng mga character actors sa pagkakaroon nila ng trabaho uli sa pamamagitan ng kanyang action serye.

Hindi pa man daw full-lenght action ang mga ginagawa nila, the fact na parte sila ng isang action-filled project ay, “Winner na. Du’n naman nagsisimula ang lahat.

“If he creates the interest and builds the new and younger audience, then we have to help him sustain the need and make it more workable,” ayon sa isang beteranong artista.

 

***

Still on Coco, personal pala nitong pinili si Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon para maging leading lady sa Ang Panday movie niya for MMFF.

Sa TV lang daw nito napanood ang magandang anak nina Boyet de Leon at Sandy Andolong at agad niyang naisip na bagay itong maging leading lady niya sa classic FPJ movie na siya nga mismo ang magdidirek.

Original leading lady ni FPJ sa Ang Panday si Liz Alindogan, na sinundan ni Tina Revilla, then ni Dang Cecilio; habang sina Aiko Melendez, Iza Calzado, Rhian Ramos at Sam Pinto naman ang naging leading ladies ni Sen. Bong Revilla sa mga Panday movies na ginawa nito.

And with Coco now as the newest Panday and Mariel de leon as his leading lady, dapat nga ba silang ma-pressure lalo na si Mariel, who is the only next beauty queen na magiging leading lady ng Panday after Dang Cecilio who was then Bininibing Pilipinas-Universe?

Sa mga nagtangka na ngang maging Panday gaya ni Sen. Bong Revilla sa movies at sa TV naman ay sina Jericho Rosales at Richard Gutierrez, ano kayang bagong approach ang gagawin ni Coco?

For sure, direk Carlo Caparas who is the creator of the iconic role, will be there to support and make it sure na hindi babangon sa kanyang libingan ang ngayo’y National Artist for Film na si FPJ.

Naalala pa namin noon na takot na takot mapahiya si Sen. Bong habang ginagawa niya ang Panday kaya’t ilang beses niyang hiningi ang permiso at approval ni Da King FPJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But since nakakatrabaho ni Coco si Manay Susan Roces, ang better-half ni FPJ, sure na sure tayong properly guided ang magaling na aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending