Sino ba ang imoral? (Comelec sa Ang Ladlad: Imoral) | Bandera

Sino ba ang imoral? (Comelec sa Ang Ladlad: Imoral)

- November 18, 2009 - 10:10 AM

KAMAKAILAN lang ay nagdesis-yon ang Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon na kilalanin ang Ang Ladlad na maging isang partylist.
Itinuturong dahilan ng Second Division ng  Comelec ay imoralidad at hindi raw ito makabubuti sa interes ng kabataang Pilipino.
Ganito ipinakita ng Comelec kung anong klaseng pag-iisip meron ito.  Parang nasa panahon pa tayo ng medieval o mga sinaunang kaisipan.
Napakasuhetibo ang ginamit na katwiran ng Comelec.  Ilang dekada na ring umiinog ang ating lipunan, at nakapagtataka kung bakit ang pangangatuwiran ng Comelec ay matatawag na jurassic.
Hindi katangap-tanggap na sabihin na ang grupong Ang Ladlad ay imoral.  Bakit, sino ba ang imoral at hindi imoral?
Ang imoral ay hindi lamang patungkol sa usaping sekswal.  Ito ay kung paano ka makipagrelasyon sa kapwa  mo — sa  iyong pamilya, ka-patid at maging sa relihiyon.  Ang paghuhusga na imoral ang isang tao ay gawain lamang  ng Diyos at hindi ng isang mortal na nagkakasala rin tulad ng mga commissioner ng Comelec.
Hindi ba imoral ang akusahan ang Comelec na hindi ito marunong bumilang ng boto? Hindi ba imoral ang Comelec na may kinikilingang kandidato?  Hindi ba imoral ang Comelec sa pagpanig sa mga kuwestyunableng transaksyong pinapasok nito?   Hindi ba imoral na ang ilang commissioner ay namumuhay ng marangya kahit na alam naman ng lahat na hindi malaki ang kanilang sahod? Hindi ba imoral kung patuloy ang corruption sa Comelec?
Ilang katanungan lang ‘yan tungkol sa imoralidad pero napakalakas yata ng loob ng mga taong ito sa pagdedetermina kung sino ang imoral at ‘di imoral.
Ang ganitong desisyon ng Co-melec ay isang malinaw na uri ng diskriminasyon.
Ang pag-iisip ng Comelec ay maihahalintulad sa nangangamoy na basura.  Mas higit na nakakatakot na ang ganitong pag-iisip ang  siyang makaimpluwensiya sa isipan ng a-ting kabataan.
Hindi ba’t mas makasasama sa interes ng ating mga kabataan na makita ang Comelec na isang institusyon na walang pagrespeto sa karapatan ng bawat indibidwal?
Ngayon, sino ba ang imoral?  Huwag na tayong lumayo, nasa loob lamang ito ng Comelec.

BANDERA Editorial, 111709

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending