Net satisfaction rating ni Du30 very good | Bandera

Net satisfaction rating ni Du30 very good

Leifbilly Begas - July 07, 2017 - 02:18 PM
Mas lalo pang tumaas ang public satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).     Nakapagtala si Duterte ng 66 porsyentong net satisfaction rating, ang pinakamataas na rating na nakuha ng Pangulo mula ng maupo ito sa Malacanang isang taon na ang nakakaraan.     Sa SWS terminology ito ay ‘very good’— sumunod ito sa excellent na net rating na 70 porsyento pataas.     Nakakuha si Duterte ng 78 porsyentong satisfied, 12 porsyentong dissatisfied at 10 porsyentong undecided sa survey na ginawa mula Hunyo 23-26.     Pinakamarami ang satisfied kay Duterte sa Mindanao at Visayas na nagtala ng 83 porsyentong satisfied rating. Sumunod ang National Capital Region na may 77 porsyento at ang iba pang bahagi ng Luzon (73 porsyento).     Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents— tig-300 sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.     Tinanong ang mga respondent: “Maaari po bang pakisabi ninyo kung gaano kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa pagganap ng tungkulin ni Rodrigo Duterte bilang Presidente ng Pilipinas.”     Sa survey noong Marso, si Duterte ay mayroong net satisfaction rating na 63 porsyento— 75 porsyentong satisfied, 12 porsyentong dissatisfied at 12 porsyentong undecided.     Ang may pinakamataas na net satisfaction rating na naitala ng SWS ay si dating Pangulong Cory Aquino na nakapagtala ng 72 porsyento noong Oktobre 1986.     Ang pinakamataas naman na naitala ng pinalitan ni Duterte na si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ay 67 porsyento, sa survey noong Agosto 2012.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending