Kailan magkaka-baby? | Bandera

Kailan magkaka-baby?

Joseph Greenfield - July 07, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Florence ng Gladiola st., Buhangin, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Mag-aapat na taon na kaming nagsasama ng mister ko sa darating na June 13 pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkaka-baby. Gustong-gusto ko na pong magka-baby dahil ako na lang ang walang baby sa aming magkakapatid at inip na inip na rin ang mister ko. Sabi ng hipag ko habang hindi pa ako nabubuntis ay mag-ampon muna kami. Kaya sinabi ko ito sa mister ko, pero sabi naman ng mister ko ay masarap daw iyong tunay naming anak ang aming aalagaan. Ano po ba ang nakikita n’yo sa aming kapalaran, magkaka-baby pa ba kami at kailan kaya ito mangyayari? March 25, 1987 ang birthday ko at February 13, 1986 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Florence Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag kang mag-aala, Florence, dahil may malinaw na Children Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa dalawang lalagyan ng Guhit ng Anak sa iyong palad. Kaya tulad ng nasabi na, hindi ka dapat kabahan na hindi ka magkaka-baby. Sa halip, makikita mo, sa taon ding ito ng 2017 hanggang 2018 ay mabubuntis ka, upang paglipas ng siyam na buwan, isang malusog na sanggol ang isisilang.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Seven of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kapag nakabuo kayo ng baby sa taong ito ng 2017, ito ay magiging suwerte sa inyo kung saan, kapag isinilang ang nasabing sanggol, lalo pang lalago ng lalago ang materyal nyong kabuhayan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending