NBI pasok sa Bulacan massacre probe | Bandera

NBI pasok sa Bulacan massacre probe

- July 03, 2017 - 01:34 PM

INATASAN ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay imbestigasyon kaugnay ng nangyaring masaker sa Bulacan kung saan limang miyembro ng isang pamilya ang pinatay.
Sa ipinalabas na Department Order kahapon, ipinag-utos ni Aguirre kay NBI Director Dante Gierran na simulan ang imbestigasyon.
Idinagdag ni Aguirre nais niyang repasuhin ng NBI ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring masaker.
Matatandaang noong Hunyo 27, 2017, pinatay sina Aurora Carlos, kanyang anak na babae na si Estrella at tatlong anak ng huli sa loob ng kanilang bahay sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Naaresto ang isang suspek na umamin sa pagpatay.
Base sa inisyal na imbestigasyon, naka high sa droga at alkohol ang mga salarin, bagamat negatibo sa droga ang naarestong suspek.
“Some people were asking that a parallel investigation be made. I don’t want to do it but some people wanted the NBI to take a second look at the findings,” sabi ni Aguirre. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending