Mag-utol parehong pa-booking, tinuhog ng mayamang kliyente
HULA hoop: Kuwento ito tungkol sa magkapatid na natuhog ng iisang parokyano ng hilaw na karne.
Unang bumagsak sa bitag si kuya, nai-take home siya ng kumursunada sa kanya na kilala rin pala ang kanyang nakababatang kapatid na pahada rin pala.
Sumunod na eksena, torno naman ng younger brother na maiuwi sa haybol ng kanyang kliyente. Dahil alam din nito na kilala ng kanyang customer ang kanyang kuya, kabilin-bilinan nitong, “Uy, huwag na huwag mong mababanggit sa kuya ko na dinala mo ‘ko dito sa bahay mo, ha?”
Umoo naman ang may-ari ng bahay na type din ang kanyang pagkalalaki.
Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nagpang-abot ang magkapatid sa bahay ng kanilang common catch.
When comfortably settled inside the house, nagdayalog ang kuya habang palinga-linga sa paligid, “Uy, ang ganda pala ng bahay mo!”
Nag-second the motion ang nakababatang kapatid, “Ang cozy naman dito!” na kunwari’y first time lang nagawi roon ang pahada brothers.
Ilang dipa lang ang layo ng kanilang kliyente, pangisi-ngisi, pahawi-hawi ng kanyang shiny hair na halos matapakan na niya sa sobrang haba ala-Rapunzel.
Pero may self-balloon ito, “Magkapatid nga kayo…pareho kayong echosera!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.